Linggo, Mayo 29, 2016

Bakit Ka Niya Hihiwalayan?

Minsan ba naisip mo kung bakit kayo naghihiwalay ng bf/gf mo? Yung kung anong klaseng attitude ba yung meronka kaya kaniya hinihiwalayan. O kaya kung may nararamdaman pa ba siya sayo.

Maraming rason kung bakit ka hinihiwalayan ng partner mo. Usually nahahati sa dalawa yan. Yung isa ay pwedeng dahil sayo, at yung isa ay pwedeng dahil sa kanya.

Dun muna tayo sa dahil sayo.
Bakitka ba niya hihiwalayan? Eto yung ilan sa mga rason kung bakit.

Dahil seloso ka masyado. Yung umaabot na sa point na may makita ka lang na may kasama siyang ibang lalaki/babae ay magagalit ka na ng todo. Yung iba nag seselos din sa kamag-anak nung partner nila eh. Wag ganun ha. Diyan nagsisimula yung mga away eh. Tapos sunod niyani iwanka na niya. Sige ka ikaw din.

Dahil ma pride kang tao. Yung ayaw mong magpatalo kapag may pinagaawayan kayo. Kaya ayan yung mga sobrang liit na bagay na pinagaawayan niyo ay lumalaki na lang bigla. Tapos ayaw mo pa siyang suyuin kasi nahihiya ka na lunukin yung pride mo. Hihiwalayan ka nga naman talaga niyan kung ganyan ka.

Dahil ang clingy mo masyado. Okay lang naman na maging friendly ka at maging touchy ka sa mga kaibigan mo pero dapat matuto ka din na dumistansya sa kanila kahit kunti. Siguro makikita mo sa mukha ng partner mo na okay lang sa kanya yung ginagawa mo pero deep inside galit na sayo yan. At yung galit na yan kapag yan pumutok… wala na, tapos na kayo.

Dahil wala kang time sa kanya. Hindi magandang excuse yung palaging kang busy sa ginagawa mo. Ano ba naman yung kahit 1 hour lang na time para sa partner mo diba? Tapos bumawi ka kapag hindi ka na busy diba? Ganun lang naman yun eh.

Dahil hindi niya trip yung ibang trip mo. Oo minsan nagiging dahlian din to ng mga hiwalayan. Yung sa lahat na lang ng bagay hindi kayo nagkakasundo. Tapos wala pang gustong magpatalo sainyo. Nakupo! Panigurado saglit lang yang relasyon niyo.

Dahil sa ang isip bata mo masyado. Yung hindi mo sineseryoso yung mga pinaguusapan niyo. Oo cute yung pagiging isip bata pero dapat naman nasa lugar diba? Kung seryoso yung pinaguusapan niyo ng partner mo, edi seryosohin mo din. Wag mong gawing laro ang lahat.  

Yan yung mga dahilan kung bakit ka niya hihiwalayan. Ngayon kung meron diyan sa mga yan ang ugali mo, ngayon pa lang baguhin mo na yun. Wag mo ng antayin na hiwalayan ka niya dahil dun.

Dun naman tayo sa dahil sa kanya.

Bakit ka ba niya hihiwalayan?

Una, baka kasi meron siya. Mga brad. Alam naman natin na kapag meron ang gf natin ay kung ano ano na lang yungpinagsasabi nila, at oo minsan nakikipaghiwalay yansayo. Pero kung dahil lang naman sa meron siya kaya siya nakipaghiwalay sayo edi suyuin mo na siya agad. Bilhan mo ng pagkain, tignan ko lang kung hindi ka balikan niyan.

Pangalawa, baka ayaw ng parents niya sayo. Hihiwalayan ka talaga niya kapag ganun yung sitwasyon. Wag mo ng ipagpilitan pa na maging kayo, dahil kahit anong suyo mo sa magulang niya ay aayaw talaga sila sayo.

Pangatlo at huli, baka naman kasi hindi ka na niya mahal. Wala na siyang nararamdaman na sparks eh. Tinatamad na siya sa relasyon niyo. Yung kahit ano pang gawin mong effort eh hindi na nito mabubuhay pa ulit yung sparks na meron kayo dati. Wala ganun talaga eh. Tanggapin mo na lang.


Basta mga brad, kung nakipaghiwalay man siya sayo alamin mo agad yung dahilan kung bakit. Wag kang papayag ng makikipaghiwalay siya ng walang dahilan. At kung may chance ka na itama yung pagkakamali na yun, gawin mo na agad. At kung wala na naman, edi tanggapin mo na lang na wala na siya. At wala na kayo. 

Saving Break Ups

Paano kung bigla bigla na lang siyang sumuko sa realationship niyo?

Paano kung dahil lang sa isang pagkakamali ay iwan ka niya?

Anong gagawin mo para makuha ulit siya o para mabalik ulit siya sayo?

Well, mga brad isa yan sa mga mahirap na laban nating mga lalaki. Papano mo susuyuin ang isang babae na gusto ng lumayo sayo?

Okay, may ilang technique ako na ibibigay sainyo. 

Pero bago yun, mga brad tandaan niyo to. Kailangan masuyo niyo siya sa loob ng 72 hours, kung hindi niyo masusunod yung 72 hour rule bababa na ang chance niyo na magkabalikan pa ulit. Kaya mga brad kilos agad.

Una, magsorry ka ng magsorry sa kanya. Kahit siya pa yung may gawa kung bakit kayo magbebreak. Wala ng time para sa pride dito. Kung gusto mo talaga siyang bumalik sayo wag kang tumigil sa paghingi ng sorry sa kanya. Pero ingat ingat din minsan dito ha. Kapag nakulitan na siya sa kaka sorry mo, tigil ka muna. Palamigin mo muna yung ulo niya.

Pangalawa, mag paawa ka ng kunti. Oo effective yun sa gantong sitwasyon. Basta dapat makatotohanan yung pagpapaawa mo ha. Hindi yung sobrang O.A. dapat tama lang.

Pangatlo, kunsensyahin mo siya. Itext mo siya o kaya ichat mo siya o mas maganda gumawa ka ng sulat para sa kanya. Dapat makabagbag-damdamin yung message na nandun ha. Yung mapapasabi siya ng “Aww… bakit ko ba iiwan tong tao na to? Mahal na mahal niya ako oh.”

Pang apat, gumawa ka ng surprise para sa kanya. Yung medyo bongga ha. Pwede kang manghingi sa mga kaibigan mo ng tulong dito. Dapat makita niya yung effort mo dito, kasi dun niya makikita kung gaano ba talaga siya kahalaga sayo. Dapat makita niya na lahat kaya mong gawin para lang sa kanya. Paiyakin mo siya kung magagawa mo. Hindi yung iyak na sasaktan mo siya ha, yung tears of joy dapat. At panigurado babalikan ka niyan.

Mga brad, kung nakipagbalikan na siya sayo, wag mo ng hayaan pa na mawala ulit siya. Wag mo na siyang pakawalan pa. At kung sakali man na makipag break ulit siya sayo, gawin mo lang ulit yung mga ginawa mo dati, pero baguhin mo din yung iba ha.


Huwebes, Mayo 26, 2016

Bestfriend ni Ex

Ilan satin panigurado nainlove o nagkagusto na sa best friend ng ex nila. Minsan nga habang kayo palang nung ex mo may feelings ka na para dun eh. Pero paano ka aamin sa bestfriend ng ex mo?

Sa sitwasyon na to madaming pwedeng mangyari na masama. May dalawa kasing pwedeng scenario dyan.

Yung tip na to pwede sa lahat pero usually para to sa mga lalaki.

SCENARIO #1

Kapag ikaw ang nakipag break.

Usually, kapag ikaw yung nakipagbreak ikaw yung lalabas na bad guy. Kahit saang anggulo mo tignan. Ikaw at ikaw ang lalabas na masama sa mga kwento niya. So, sa gantong sitwasyon, paano mo makukuha yung tiwala ng bestfriend ng ex mo?

Una, palipasin mo muna yung mga buwan. Wag kang padalos dalos brad. Dahil kapag ilang buwan pa lang tapos umamin ka na agad dyan panigurado sisiraan ka ng ex mo at iisipin din nung isa na, oo nga baka lokohin mo lang siya.

Pangalawa, makipag ayos ka sa ex mo. Siguro naman sa time na yun pareho na kayong naka move on. Makipag ayos ka para maging friends ulit kayo at siyempre para hindi ka niya siraan dun sa isa.

Pangatlo, kausapin mo na yung bestfriend niya. Tanungin mo yung mga pinag kukwento sa kanya nung ex mo tungkol sayo tapos saka mo iexplain yung side mo. Mag pa good shot ka.

Pangapat, baguhin mo yung ugali mo. Ipakita mo na hindi na ikaw yung taong nanakit sa bestfriend niya. Pero dapat seryoso ka sa pagbabago mo ha. Hindi yung magbabago ka lang ng panandalian kasi gusto mo siyang makuha. Wag ganun brad.

Panglima, umamin ka na dun sa bestfriend ng ex mo na may gusto ka sa kanya. Pero bago mo gawin yung kailangan nagbago ka na talaga ha. And dapat nakuha mo na yung loob niya. And kapag umamin ka na siguraduhin mo na seryoso ka ha. Hindi yung dahil trip mo lang yung bestfriend ng ex mo.

Pang anim, umamin ka din dun sa ex mo na may nararamdaman ka na sa bestfriend niya. Dito na lalabas yung problema.

Dito pwedeng masira yung friendship nila ng bestfriend niya lalo na kung may feelings na siya sayo. 
Pwede din na siraan ka parin nung ex mo kahit na mag kaayos na kayo. Oo posilble yun. At ang kailangan mo lang gawin ay ipakita din sa ex mo na hindi na ikaw yung dati, iexplain mo sa kanya na wala kang masamang intension sa bestfriend niya. iexplain mo yung buong nararamdaman mo. At kapag nagawa mo na yun, makikita mo na yung ex mo pa mismo yung tutulong sayo para maging kayo.

Dun naman tayo sa pangalawang scenario.

SCENARIO#2

Kapag yung ex mo yung nakipagbreak.

May tatlong reason kung bakit siya makikipag break sayo. Una, dahil may problema sayo. Pangalawa, dahil may problema sa kanya. At pangatlo, dahil may problema sayo. Oo, mas lamang talaga yung sayo. Kasi kapag sila nagkwento panigurado ikaw ang masisira.

Well ganto yan. Siguraduhin mo muna na wala na talaga siyang feelings para sayo. Wag lang basta 100%, kailangan mga 1,000,000% sure na wala na talaga. Kasi minsan yung mga babae hindi maintindihan yan eh. Makikipag break sila tapos aabangan nila na balikan mo sila. Kaya kung hindi pa ganun ka sure na wala na talaga yung feelings niya para sayo wag ka munang umamin ha. Malaking gulo maidudulot niyan kapag umamin ka agad. Iisipin ng ex mo na kaya hindi ka na nakipag balikan sa kanya dahil sa bestfriend niya. Tapos mag aaway sila and ngayon pareho na silang galit sayo.

Basta ang first step dito is, siguraduhin mo muna na wala ng feelings para sayo si ex and saka mo gawin yung step 1-6 sa una.

May idadagdag lang ako dun sa pangatlong step. Iexplain mo ng  totoo yung nangyari. Kung ikaw yung may mali edi ikwento mo, tapos saka mo iexplain yung side mo. Kung yung ex mo naman yung cause ng break up, ikwento mo pero wag mo ng palalain yung kwento ha.


Wala namang masama kung magkagusto ka sa bestfriend ng ex mo eh. Normal naman yun eh. Nagmamahal ka lang naman diba? Ang masama is kung kaya mo lang siya gusto dahil may gusto ka lang makuha sa kanya o kaya naman pangarap mo na mapasama sa listahan mo yung mag bestfriend. Wag ganun ha. 

Naka Move-On Ka Na Ba Talaga?

Madali lang sabihin na naka M.O. na tayo, na nakalimutan na mo na siya at hindi ka na magiging bitter pa. Pero sigurado ka ba talaga na naka move on ka na? Kung hindi pa pwes dito mo malalaman kung naka move on ka na ba.

Ang pinaka una mong kailangang gawin siyempre mag move on ka muna. Kung hindi mo pa nagagawa yun baka makatulong sayo yung isa kong blog.

So paano mo ba malalaman na naka move on ka na?

Una, kapag kaya mo na siyang harapin ng matagal o kaya kapag kaya mo ng marinig yung pangalan niya ng parang wala lang sayo. Bakit kailangan to para malaman na naka move on ka na talaga? Kasi dito mo malalaman kung sumisingit pa ba yung mga memories niyo sa utak mo. Kasi kung hindi ka pa nakakamove on panigurado magfla-flashback sayo lahat.

Pangalawa, kapag kaya mo ng maging masaya ulit. Yung saya nung hindi pa kayo. Kasi magkaiba yung sayo nung hindi pa kayo dun sa saya nung kayo na, at ang kailangan mong ibalik is yung saya nung hindi pa kayo. Madalas hindi ikaw yung makakapansin nito. Yung mga kaibigan mo yung makakapansin ng ganyan kaya tanungin mo din sila.

Pangatlo, kapag hindi na siya napasok ulit sa utak mo. Magkaiba to dun sa una kasi dito yung biglaan mo na lang siyang maiisip. Kung naka move on ka na talaga hindi na mangyayari sayo to. Dapat naka banned na siya sa utak mo.

Pangapat, dapat ready ka na makita siya na may kasama siyang iba. Oo kung makita mo man na may kasama siyang iba dapat tanggapin mo yun. Kapag nasaktan kai big sabihin hindi ka pa nakaka move on, pero kapag okay lang sayo edi congrats kasi naka move on ka na.

Panglima, kapag naramdaman mo na may space na ulit sa puso mo. Mararamdaman mo na lang to isang araw. Gagaan yung pakiramdam mo, makakangiti ka na ng maayos, ayos lang sayo na makita siya kahit sobrang tagal pa. Eto na yung time na sure na sure na sure na sure ka ng naka move on ka na. 

At ang huli, kapag ready ka ng punan ulit yung space na yun sa puso mo.
Mahirap naman talagang mag move on lalo na kapag mahal mo yung isang taong nawala sayo, pero ganun talaga.
May time talaga na kahit gaano sila kaimportante satin kailangan natin silang kalimutan, actually hindi, hindi mo naman talaga sila kakalimutan, kailangan mo lang silang ilagay sa iyong nakaraan at ipagpatuloy yung pagsusulat sa pahina ng buhay mo. 

Miyerkules, Mayo 25, 2016

Signs of Possible Break-Up

Usapang break ups nanaman tayo. Madalas yung ibang tao bago pa sila magkipaghiwalay sa isang tao ay nagpapakita na sila ng ilang bagay o sign na malapit na silang makipaghiwalay. Ginagawa nila yun minsan para mas madali na lang sa kanilang mag move on.

Pero paano nga ba natin malalaman kung malapit na nga bang makipaghiwalay satin ang kapartner natin?

  • Una, unti unti na silang iiwas sa mga physical contacts. Yung mga dating hindi hindi maalis na paghahawakan ng kamay ay magiging apir na lang. Yung mga mahihigpit na yakap ay unti unti ng mawawala. Basta iiwas na sila sa ganun.


  • Pangalawa, kung nagtetext o chat man kayo wag ka ng umasa na makakabasa ka pa ulit ng mga mahahabang messages. Makakabasa ka na lang ng ganun kapag galit siya, pero hindi din minsan. Basta kung dati ang sweet ng mga messages niyo ngayon iba na. Baka nga puro “ah” “okay” “Haha. Okay” “K.” na lang yung reply niya sayo eh. Isa na din yan sa mga signs. Siguro sa dalawa pa lang na’to alam mo na kung makikipaghiwalay na ba siya sayo hindi, pero may ilang mga signs pa.


  • Pangatlo, ayaw ka na niyang makasama sa mga lakad niya. Mas gusto na niya lang minsan na kasama yung kaibigan niya o kahit sino wag lang ikaw. Unti unti niya na kasing sinasanay yung sarili niya na wala ka. Wag ka ng magtaka kung bakit.


  • Pangapat, palagi ka niyang inaaway sa mga maliliit na bagay lang. Madali na siyang mairita sayo. Yung kahit na may maliit na pagkakamali ka lang na ginawa sa kanya ay magagalit na agad siya. Minsan pa nga dyan sa galit na yun siya nakakahanap ng paraan para hiwalayan ka niya eh.


Kung hiniwalayan ka man niya, hayaan mo. Umiyak ka lang pero pagkatapos nun tanungin mo yung sarili mo kung worth it ba siya sa mga luha mo. Hindi diba? Basta kung nagpakita man ng ganyang mga signs yung kapartner mo ang gawin mo na lang e mag move on ka na din agad, o kaya ay ikaw na yung tumapos. Wag mong hayaan na masaktan ka lang dahil sa kanya, okay?


Dream Person

Lahat naman tayo may dream man or dream girl. Yung nandun lahat ng hinahanap natin sa isang tao. Yung itsura niya, ugali niya, mga gusto niya. Pero mahalaga ba talaga yung ganun kapag nainlove ka na? Uunahin mo pa ba yung katangian niya? 

Paano kung wala siya ni isa na katangian ng dream person mo? Mamahalin mo pa din ba siya? Paano kung kabaliktaran siya ng gusto mo, pero yung taong yun pala yung nakatadhana sayo?
Maiksi lang tong gagawin ko kasi may nanghingi lang sakin ng advice dito and sana makatulong ako sayo.

Guys wag tayong mag base dun sa dream person natin. Kaya nga “dream person” e diba? Sa utak mo lang siya nag eexist. Madalang kang makakahanap niyan sa realidad.

Okay lang naman siguro na maghanap mga 2 dalawang katangian lang pero wag mong lahatin yung nandun sa checklist mo. Ikaw din, may time din na mapapaisip ka at marerealize mo na wala talagang tao na katulad ng dream person mo. Ang daming tao dyan na pwede kang mahalin at pwede mong mahalin, kailangan mo lang talagang gisingin yung sarili mo na minsan talaga parang sira yung universe. Ibibigay niya sayo yung taong pinaka ayaw, pero yung taong yun talaga yung nakatadhana sayo. 

RelationShit

RelationShit. Yung mga relasyon na puro ka shit-an lang talaga yung alam. Yung akala mo mahal ka talaga niya, pero ang totoo ang mahal niya lang is yung naibibigay mo sa kanya. Oo niloloko ka lang niya.

Hindi na bago sa henerasyon natin ngayon yung mga relationshit. Madami kang makikita na ganyan dito ngayon. Akala mo loyal siya sayo, sad to say pero hindi.

Bibigyan ko kayo ng mga examples ng RelationShit. Malay mo ganto pala yung relationship niyo.

The Barney Stinson- Barney Stinson Is a character from a T.V. series “How I Met Your Mother.” Sa mga unang season ng series na yun makikita na sex lang ang habol niya sa mga babae. Walang love, just lust. Well may mga ganyang relasyon talaga ngayon. Yung ang sweet sweet nila sayo pero after may mangyari sa inyo makikita mo magiging cold na lang yan bigla bigla. At kapag nagsawa na siya sayo iiwan ka na lang niya ng parang wala lang.

Guys, specially sa mga babae, kung napapansin niyo na ganto yung bf niyo magisip-isip na kayo ngayon pa lang. Katawan lang ang habol niya sayo.

The ATM- Obvious naman siguro sa title. Eto yung relasyon na ang tingin nila sayo is para kang ATM Machine na naglalabas ng pera kapag kailangan nila. Lalambingin ka niya para magbigay ka ng pera at siyempre ikaw madadala ka at bibigyan mo siya kasi mahal mo. Oo okay lang naman na magbigay ka ng pera, pero kung nagiging cold siya kapag wala kang pera o di kaya’y kapag hindi ka nakapagbigay sa kanya, ibang usapan na yan. Hindi ka niya mahal, mahal niya yung pera mo.
Minsan nagsasama din yung The Barney Stinson at yung The ATM. Basta mag isip isip ka na.

The “Peymus”- Eto yung relasyon na ginagamit ka lang niya para makilala siya o para sumikat siya. Madalas to sa mga school nangyayari. Ginamit ka lang niya para makakuha ng attention galing sa iba at kapag sumikat na siya asahan mo makikipaghiwalay din yan sayo bigla bigla.

The Semester Love- Eto naman yung relasyon na ginagamit ka lang niya para pumasa siya. Alam niya na matalino ka sa mga subject, pero alam niya din na tanga ka pagdating sa pagmamahal. Kaya ayun, ginagawa mo yung mga assignments niya, projects niya, reports niya, Thesis niya, pero after nun ano na? Try mo siyang yayain mag date after nung semester na yun and for sure hindi yun papayag kasi nakuha niya na yung gusto niya sayo. Pang isang semester lang kayo, at kapag natapos na kasabay na din nun ang relasyon niyo.

The Band-Aid/ The Vulca Seal- Eto yung relasyon na nangyayari lang kapag fresh from break up pa yung gusto mo. Magiging kayo agad pero panakip butas ka nga lang. Ginagamit ka lang niya para maka move on siya. Para kang band-aid na nandyan para takpan yung sugat niya pero kapag magaling na itatapon ka na lang niya bigla bigla kasi hindi ka na niya kailangan.


Pansin niyo ba? Lahat ng relationshit na yan ay ginagamit ka lang. Ginagamit nila yung katangahan mo para ibigay sa kanila yung kailangan nila. Kung isa dyan sa mga yan yung relasyon mo ngayon, ngayon pa lang sinasabihan na kita na tapusin na agad yun. Gumising ka na sa katotohanan na dahil lang dun sa bagay na yun kaya ka niya gusto. Hindi ka niya mahal, and siguro hindi dadating yung time na magiging mahal ka niya. Obserbahan mo yung relasyon niyo, and kapag alam mo na hindi Relationship yung meron kayo malaman RelationShit yan.

Linggo, Mayo 22, 2016

In Love Ka Na Nga Ba?

Masarap yung pakiramdam na in love ka.

Yung palagi kalang nakangiti habang iniisip yung taong nagpapangiti sayo. Pero paano mo nga ba malalaman na in loveka na sa isang tao?

Aaminin ko na nandito ako sa part na ito ngayon. Mahirap siya na ang sarap sa pakiramdam. Swear!

So paano nga ba natin malalaman na in love tayo sa isang tao.

First is, yung hindi siya maalis-alis sa isip mo. Simula umaga hanggang gabi nandyan siya nakatambay sa utak mo. Ang hirap diba? Yung kahit saan ka magpunta o kahit ano pa yung ginagawa mo papasok at papasok siya sa utak mo ng biglaan. Mahirap pero masarap sa pakiramdam. Well, isa na yan sa sign. And wag mong pilitin na alisin siya sa utak mo dahil mas lalo mo lang siyang maiisip.

Second is, yung napapangiti ka kapag naririnig yung pangalan niya. Magmumukha kang tanga minsan dito, pero oo everytime na maririnig mo yung pangalan niya ay lalabas yung matamis na ngiti sa mukha mo. Bakit? Kasi naiisip mo nanaman siya. May time pa nga minsan na kapag sinasabi mo yung sinasabi mo yung pangalan niya e automatic na yung pagngiti mo. Naka synchronize na.

Third is, gusto mong marinig yung boses niya palagi. Yung kahit “hi” lang yung sabihin niya e kinikilig ka na.Tapos yung “hi” na yun ay maigigng earworm na uulit ng uulit sa utak mo. At kapag galit ka o kaya ay may problem ka at narinig mo yungboses niya, in an instant kumakalma ka. Yung parang wala na lahat.

Fourth is, gusto mo siyang makausap ng buon garaw. Yung kahit na walang kwentang bagay na yung pinaguusapan niyo e okay lang sayo. Hindi ka nag sasawang pakinggan yung mga kwento niya kasi in loveka na sa kanya. Wait. Nakikinig ka nga ba sa kwento niya or gusto mo lang siyang titigan? Gawain ko kasi yan.

Fifth is, nagkakaroon ka ng other personality kapag nandyan na siya. For example, nung wala siya ikaw ay isang perv na lalaki, pero kapag dumating na siya bigla-bigla kang nagiging banal. Oo, minsan nagagawa mo yan. Ginagawa mo yan kasi ayaw mong mapahiya sakanya. Ayaw mo na ma Turn-Off siya sayo.

Sixth is, sumusunod ka sa mga sinasabi niya. Para kang aso na sinusunod yung pinapagawa ng amo niya. Katulad nung sa number  5, ginagawa mo to kasi ayaw mo na masira ka sa kanya. Gusto mo na magustuhan ka niya kasi in love ka na sa kanya.

And last is kapag napanaginipan mo na siguro siya. Para sakin kasi kapag once na napanaginipan mo na siya ito na yung sign na inaabangan mo na totoo na may nararamdaman ka na sa kanya.

Ako, hindi ko parin maintindihan yung nararamdaman ko. Siguro out of 7, 5 na signs na yung lumabas sakin. And yes siguro nga in love na ako sa kanya.

Nakakatuwa minsan isipin yung pakiramdam ng in love ka. Dyan mo makikita minsan kung gano ka katanga sa isang tao na gagawin mo ang lahat para magustuhan ka niya. And siyempre dapat ipakita mo padin yung totoong ikaw sa kanya. And kung hindi ka padin sigurado sa pakiramdam mo, okay lang yan. Dadating ka din sa time na magiging sigurado ka. Mas maganda na yung sure ka kaysa naman padalos dalos ka diba? Siguraduhin mo muna kung in love ka na nga ba talaga sa kanya. 

Red Days

Para sa mga lalaking may girlfriend diyan, para sainyo to.

Red days. Eto yung mga araw na mas nagiging abnormal yung mga babae. Eto rin yung araw o mga araw na pinaka ayaw ng mga babae at pati narin ng mga lalaki.

Bakit?

Nadodoble ang gastos

Palaging galit sa kanila ang gf nila kahit wala silang ginagawa.

Instant break up stage.

At marami pang iba.

Pero ano nga ba ang kailangan gawin ng mga lalaki para hindi sila awayin ng gf nila.

Kung meron ang gf mo kailangan intindihin mo siya ng todo todo. Isipin mo na lang n dahil sa hormonal imbalance kaya sila nagkakaganun. Tapos sasabayan pa ng sakit ng puson nila. Masakit nga naman yun.

Wag mo siyang aasarin o aawayin habang meron siya. Not unless matapang ka at kaya mong harapin ang dragon na nagigising lang tuwing meron sila. Mararanasan mong masigawan, masampal, mamura, or worst pwedeng makipagbreak yan sayo. Pero madalas panandalian lang yung break up na yun. Basta maging sweet ka lang sa kanya.

Ibigay mo lahat ng pagkain na gusto niya. Oo nakakapag pagaan ng mood nila yun. Bilhan mo siya ng ice cream or fries or anything na gusto niyang kainin. Dagdag gastos, oo pero ilang araw lang naman yan eh. gawin mo mag ipon ka palagi ng pera na gagastusin mo everytime na meron siya.

Asikasuhin mo siya. May ibang babae kasi na grabe kapag nagkakaroon sila. Hindi lang basta nasakit yung puson nila, minsan hindi pa sila makatayo o minsan pa nga kailangang dalhin sa ospital. Sa mga panahong ganto kailangan asikasuhin mo siya. Dapat maging personal nurse ka niya. Bilhan mo na din siya ng napkin. Wag kang mahiya na bilhan nun ang gf mo, kasi sobrang kailangan niya nun. 

Hayaan mo kung pagtawanan ka nila sa tindahan o sa supermarket habang hawak yun. Problema na nila yun.


Mga brad, ilang araw lang naman magkakaganyan yung gf mo. At dyan sa mga araw na yan kailangan mong iparamdam na mahal mo siya kahit anong mangyari. Kung may nasabi man siyang masama hayaan mo lang. intindihin mo na lang yung sitwasyon niya kapag meron siya.

Putulin Mo Na!

In every relationship palaging merong nasasaktan at nananakit. Pero kung may reason ba kung bakit mo siya sinaktan, maiintindihan niya kaya yun?

May mga relationship na parang mapupunding ilaw, patay sindi. Oo part siya ng relationship pero sign din siya na hindi na healthy yung relationship niyo. Admit it, one day mapupundi din kayo.

Masakit satin na makitang umiiyak yung partner natin kapag nakikipag break tayo sa kanila. Parang dinudurog yung dibdib natin ng pinong pino. At siyempre dahil nga “Mahal mo siya” magkakabalikan kayo kahit na sa loob mo ay ayaw mo na kasi alam mo na wala na kayong pag asa.

Okay lang ba sayo na masaktan habang nakikita siyang masaya? Kung oo yung sagot mo isa kang dakilang martyr, pero hindi na uso yan. Oo nakikita mo siyang masaya, pero paano kapag nalaman niya na hindi ka na masaya at pinipilit mo lang? Dobleng sakit yung mararamdaman niya. Tapos mapapaisip ka na sana binitawan mo na lang talaga siya, edi sana ngayon ay nag momove-on na siya.

Para mo siyang pinaasa at mas masakit yun kaysa sabihin na wala na talaga. Pinaasa mo siya na may pag asa pa kayo pero ang totoo wala na pala. Wag mo na siyang pakapitin pa sa tali na alam mo naman na nakakasakit na sa kanya. Oo magiging masaya siya pero sa sandaling yun pero paglagpas ng ilang buwan o linggo wala na. May masasaktan at masasaktan sa ginagawa niyong yan.

Normal lang naman masaktan ang isang tao. Panandalian lang naman yung sakit na yun.

Pinapaanood mo siyang nasusugatan habang pilit na kumakapit sa taling naguugnay sainyo. Pero diba pwede mo naman putulin yung taling yun para hindi na siya masaktan pa. Oo masasaktan din siya sa pagbagsak niya pero malay mo may isang tao na nandun para saluhin siya.

Tanungin mo yung sarili mo. Okay ba sayo na makita siya na masaya sa maiksing panahon lang tapos ay masasaktan ulit siya o mas okay sayo na masasaktan siya pero after nun magiging masaya siya sa piling ng iba? 


Next Level

Marami satin gustong maging kapartner  yung bestfriend natin. Lalo na kapag matagal na kayong mag bestfriend. Yung tipong saulo niyo na yung isa’t isa. Alam mo kung ano yung ayaw niya at yung gusto niya. alam mo kung ano yung bawal at pwede sa kanya. Pero may part din na natatakot ka kasi baka kapag umamin ka e maging dahilan yun para masira yung pagkakaibigan niyo.

Madalas din kapag umamin ka agad ng pakiramdam mo sa kanya ay humahantong lang ito sa friendzone. Kaya dapat wag padalos dalos.

Papaano mo nga ba dapat aminin sa bestfriend mo na gusto mo ng itaas pa yung level ng friendship niyo.

Una dapat sigurado ka na sa pakiramdam mo. Magtatlong isip ka kung kailangan at kapag sigurado ka na saka mo gawin yung pangalawa.

Pangalawa, magbigay ka muna ng mga signs na in love ka na sa kanya. Kamustahin mo siya palagi, alamin mo kung kumain na ba siya. Basta kailangan iparamdam mo muna sa kanya yung nararamdaman mo. Pero wag mo munang sasabihin.

Pangatlo, magplano ka na kung paano ka ba aamin sa kanya. Pero bago ka magplano alamin mo muna kung siya ba yung babae na gusto yung surprises o baka gusto niya ng simple lang. Yung kayo lang. Kapag nalaman mo na yun saka mo simulang gawin yung mga gagamitin mo sa pag amin sa kanya.

Pangapat, isipin mo na yung sasabihin mo sakanya kapag umamin ka na. Maikli man yan o mahaba ayos lang. Ang mahalaga e galing sa puso mo yung sinasabi mo.


Panglima at huli. Ipakita mo na yung ginawa mo at umamin ka na sa kanya. Wag kang magpapadala sa kaba. Aminin mo dun sa bestfriend mo na gusto mo siya at gusto mong dalhin na sa next level yung friendship niyo. Kung hindi man siya pumayag ayos lang yan. Ganyan talaga minsan. Hindi sa lahat ng oras nakukuha natin yung gusto natin. Pero kung pumayag siya at naging kayo na, wag mo na siyang pakawalan pa at mahalin mo siya higit pa sa pagmamahal mo sa kanya nung magkaibigan pa kayo. 

Masarap sa pakiramdam kung magiging kapartner mo yung bestfriend mo. Wala ng kapaan pa kasi alam niyo na naman yung isa't isa eh. Saka sobrang swerte mo kung magiging kayo. Wag niyo ng pakawalan pa ang isa't isa kasi imagine, may bestfriend ka na may partner in life ka pa, and malay mo one day maging magasawa pa kayo diba?

Biyernes, Mayo 20, 2016

May Forever Ba?

May forever ba? Tanong na madalas pinagtatalunan ng mga taong may love life at ng mga taong bitter sa love life nila. Siyempre kung may love life ka malamang sasabihin mo na may forever at katabi mo yung “Forever” mo at siyempre kung bitter ka isa ka sa mga tao na nasigaw ng “Walang Poreber!!!”

Ikaw at ikaw lang din naman ang makakasagot ng tanong na yan eh. Nasa paniniwala mo na yan. kung iisipin mo na may Forever edi magkakaroon talaga para sayo., pero kung iisipin mo naman na wala edi wala talaga. Ganun lang naman yun eh. Ikaw lang ang makakasagot niyan. Hindi mo kailangan na mang away pa ng tao para lang sabihin yung side mo. May kanya kanya tayong paniniwala.

Kung ako naman ang tatanungin niyo ang sagot ko is OO para sakin may Forever. Kahit na sa tingin ko hindi ko pa nahahanap yung forever ko, oo may forever. Hindi lang naman kasi natatapos yung relasyon o pagmamahalan ng dalawang tao sa simpleng break up lang diba. Admit it kahit kunti may nararamdaman ka padin sa mga naging karelasyon mo. At kung iniisip naman nung iba na walang forever kasi eventually dadating yung oras na iiwan niyo na yung mundo, well nagkakamali kayo. 

Kahit ang kamatayan hindi kayang pigilan ang pagmamahalan ng dalawang tao. kung mahal niyo talaga ang isa’t isa kahit sa huling segundo niyo dito sa mundo ay mananatili ang pagmamahalan na yun. Nasa puso din kasi minsan ng isang tao yung forever. Yung kahit na nasa ilalim ka na ng hukay iisa padin ang tinitibok ng puso mo at forever na yan dyan. Kahit na sa kabilang buhay ay mananatili parin yung pagmamahalan niyo sa isa’t isa. Kaya para sakin may forever.

Kanya kanya na lang na paniniwala yan. Basta ang mahalaga mahalin natin yung tao na nagpapahalaga satin at kung wala ka man nun, chill ka lang dadating at dadatin din yang taong yan sa buhay mo. Dadating din yung Forever mo. 

One More Chance?

“Bigyan mo pa ako ng isa pang chance please.” Madalas nating naririnig yan sa isang lalaki o babae na nasa process ng break up. Pero worth it nga ba yung pagbibigay ng one more chance sa isang tao na sinaktan ka na at hindi malayong saktan ka ulit. Well kung katulad ka nung ibang tao na natatanga pagdating sa pag-ibig ayos lang sainyo yun. Kahit ilang chance pa nga ata kaya niyong ibigay basta nasa ilalim kayo ng sumpa ng pag-ibig. Isa pa, kung isa ka sa mga masweswerteng tao na hindi tinatablan ng sumpa ng pag-ibig ang ibig sabihin lang nun ay mahal mo talaga yung tao.

Ganun naman yun eh. Kapag mahal mo talaga siya handa kang pasukin yung sumpa ng pag-ibig wag lang siyang mawala sayo. Pero bakit nga ba tayo pilit nagtitiwala sa isang tao na alam naman nating lahat na pwede niyang ulitin yung kamaliang nagawa niya? Ako mismo hindi ko alam yung sagot kasi madalas kapag nagmamahal ako e nasa ilalim ako ng sumpa. Pero sa tingin ko kaya tayo ganun, kasi tayo yung mga klase ng tao na handang masaktan ng paulit-ulit basta mabago lang natin yung ugali ng taong mahal natin.

Para naman dun sa mga taong binibigyan pa ng one more chance na yan. Ingatan niyo na naman yan. Isipin niyo na pangalawang buhay niyo na yan. Kayo yung mga masweswerteng tao na mayroong isang tao na nagmamahal sainyo ng totoo na kahit ilang chance pa ibibigay niya para lang sayo. Wag niyo naman silang abusuhin ha. Kasi kapag sila napagod na, wala na, kahit anong pagmamakaawa mo hindi mo na siya makukuha pa. 

Loving Someone Special

Mahirap magkaroon ng Mental Disorder katulad ng Depression, pero mahirap din siguro kung ang kapartner mo yung ganto. Mangangailangan ka ng mahabang pasensya ay sobrang dami ng pagmamahal para lang sa kapartner mo.

Depression is not an easy thing. Eto yung madalas iniisip nung mga tao na nag iinarte ka lang kaya ka ganyan, pero ang totoo hindi. Kung depressed yung bf/gf mo mas maganda kung magresearch ka din tungkol sa kalagayan niya. Magbasa ka ng mga libro na tungkol dun o kung ano pa man, basta kailangan mong maintindihan yung situation niya. As his/her partner kailangan isa ka sa unang tao na iintindi sa kanya.

Iparamdam mo sa kanya na special siya at ipakita mo yung mga rason kung bakit niya pa kailangan mabuhay. Madaming cases ng depression ang nauuwi sa suicidal attempt kasi pagod na silang makipaglaban sa problema sa utak nila, mga problema na ang utak din nila ang nagawa. Basta dapat isa ka sa rason kung bakit niya kailangan pang mabuhay.

Pakinggan mo yung mga sinasabi niya. Kausapin mo siya sa tuwing kailangan niya ng kausap. May ilang times din na magugulat ka na lang na sasabihin nila na kausapin mo lang sila. Sa paraang yun kasi nakakalimutan nila minsan yung mga problema sa utak nila. Yakapin mo din siya kung kinakailangan.

Maging supportive ka. Lalo na kapag nasa therapy siya. Palakasin mo yung loob niya kasi hindi biro yung pinagdadaanan nila. Hindi madaling makipaglaban sa utak mo.
Ilayo mo siya sa mga bagay na pwedeng makapag trigger ng depression niya. Kapag napansin mo na nagiiba na yung mood niya gumawa ka na agad ng paraan para maging masaya siya. Wag kang susuko hanggang hindi mo nakikita yung ngiti sa mukha niya.


Mahirap  magmahal ng depressed na tao, pero masarap sa pakiramdam yung mahalin ka ng isang depressed na tao. Isa ka sa mga gamot na kailangan niya para labanan yung mga imaginary problems na meron siya. At isa ka sa mga dahilan kung bakit niya pa kailangang mabuhay. Kung may ka partner ka man na depressed wag mo siyang ikahiya. Maging proud ka sa kanya. And ingatan mo siya, kasi isa sila sa mga taong totoo magmahal.

Torpetitis

Hindi ka ba makaamin ng nararamdaman mo sa babaeng mahal mo?

O ikaw ba ay nanginginig sa tuwing makakaharap mo siya? Pinagpapawisan ka ba ng malamig sa tuwing kausap siya?

Kung oo ang sagot mo sa lahat ng yan pwes, kapatid ikaw ay may tinatawag na Torpetitis.

Pagiging torpe o pagkahiya sa taong mahal mo. Normal lang naman sa isang lalaki ang dumaan sa gantong bagay pero bakit ka nga ba natotorpe?

Madaming dahilan yan eh. Pwedeng takot kang pagtawanan kapag sinabi mo na yung nararamdaman mo, o kaya naman pwede ding takot kang mabasted agad agad o di kaya’y ma friendzone. Pwede din naman na duwag ka lang talaga at hindi mo kayang sabihin yung nararamdaman mo sa kanya. Yung tipong palapit ka pa lang sa kanya eh pinepeste na agad ng daga yung dibdib mo. Brad base na din sa karanasan ko, kailangan mong maging lalaki at umamin dun sa babae na yun. Walang magagawa yung pagka torpe mo. Kung gusto mo talaga siya, edi umamin ka at ipakita mo sa kanya yun.

Pero kung hindi mo padin kaya baka may maitulong sayo yung mga sasabihin ko.

Una, kung ikaw yung klase ng torpe na hindi makalapit sa kanya o hindi makatingin sa kanya ng deretso, kailangan mo ng baguhin yan. Dahan dahanin mo lang muna. Wag mong madaliin. Simulan mo sa kunting paglapit sa kanya yung tipong madadali mo siya kunwari, tapos samahan mo na din ng titig sa mata niya pero wag yung nakakatakot na titig ha. Be cool! Kapag nagawa mo na yung mga ganyan mapapansin mo na lang yung dating mga nakaw na tingin lang ay magiging mahabang titigan na sa mata. Ang dating mga pasimpleng pagbunggo lang sa kanya ay magiging mga haplos na. Ang sarap sa pakiramdam kapag medyo hindi ka na nahihiya diba? Well hindi pa yan yun.

Pangalawa, okay ka na sa physical presence niya. Hindi ka na nahihiyang kasama siya pero nahihiya ka parin naman na kausapin siya ng matagal. Yung tipong kapag kausap mo siya e bigla na lang nagka problema yung speech center ng utak mo. Nauutal ka, minsan nga dumadating pa sa punto na parang hindi na connected yung mga salitang pinagsasabi mo. Well, katulad nung una kailangan mo din tong dahan dahanin. Pero simulan mo to sa pag uusap ng hindi kaya nagkikita. Ichat mo siya or itext mo siya, pero dapat ikaw ang mauna ha kapag nagawa mo na yan magkakaroon ka na ng kaunting lakas ng loob para makausap siya sa personal. After mo siyang kausapin sa text or chat its time make your move. Mag hi ka sa kanya with matching smile sa mukha. Tapos mag open ka ng topic. Mas maganda kung alamin mo din yung bagay na gusto niya ang yun yung pagusapan niyo. And there you are. Unti unti ka gumagaling sa Torpetitis.

Pangatlo, ngayon na medyo close na kayo dahil nakakapag usap na kayo o nakakasama mo na siya ng hindi ka naiilang, malamang takot ka naman na ma friendzone ka lang. Pero kapatid hindi ko hahayaan na may isa pa sa mga kapatid natin ang malugmok ulit sa friendzone na yan. So bago ka umamin sa kanya, pagpraktisan mo muna siya at tignan mo yung magiging reaksyon niya habang ginagawa mo yung ng hindi mo niya nalalaman.
Ilan lang to sa mga pwede mong gawin para makawala ka sa friendzone.
(a)    The Joke Lang- gawin mo to sa gitna ng seryosong usapan. Yung tipong hindi kayo natawa sa pinag uusapan niya. Kapag nakahanap ka na ng magandang time bigla mong sabihin sa kanya na mahal mo siya. And kapag sinabi niya hanggang friends lang kayo saka ka biglang tumawa ng malakas, tapos sabihin mo na ginawa mo lang yun para patawanin siya.
(b)   The Play- pwede mo tong gawin ng may kasama kang back up na kaibigan. Mas maganda kung babae yung back up mo. So gawin mo to ng biglaan, yung makikita mo lang siya na naglalakad tapos bigla mo siyang hilahin sabay hawak sa balikat niya at sabihin mo na mahal mo siya at hindi mo kaya na mawala siya sa mundo mo. Kapag sumagot siya na hanggang kaibigan lang kayo, yun na yung cue ng back up mo para lumabas at sabihin na yung ganung klaseng emosyon yung kailangan niyo sa play niyo.
(c)    The Pakisabi kay..- gawin mo to kapag kayo lang dalawa. Tapos kailangan kausapin mo na din yung kaibigan niya na gagamitin mo yung pangalan niya para dito. Sabihin mo to kapag tahimik kayo pareho. Biglain mo siya. Sabihin mo na agad na mahal mo siya at hindi mo na kaya yung sitwasyon niyo bilang magkaibigan lang. Sabihin mo na gusto mo ng itaas yung level ng pagiging magkaibigan niyo. Siguro habang sinasabi mo yun ay pinipigilan ka na niya at sasabihin niya na hindi pwede at hanggang mag kaibigan lang kayo kapag ganun yung nangyari isunod mo na agad yung linya na pakisabi naman yan kay *blank* kasi nahihiya kang umamin sa kanya. Pero kung hindi ka naman niya hinarang sa pagsasalita, mag pause ka muna dun sa “gusto ko ng itaas yung level ng pagkakaibigan natin” part. Hayaan mo muna siyang magsalita. Kapag sinabi niya na yung hanggang kaibigan lang saka mo ipasok yung susunod na linya.

Makakatulong yang tatlo na yan para malaman mo yung sagot niya in an instant. Kung sinabi man niya yung magic word na “hanggang kaibigan lang” atleast sinubukan mo at nakabangon ka agad sa friendzone. Pero tignan mo din yung reaksyon niya. Pakiramdaman mo siya. Kung may nararamdaman din siya sayo deep inside masasaktan yan. And kapag nasaktan yan yun na yung chance mo para tuluyan ka ng gumaling sa Torpetitis. This time wala ng pagpapapractice na magaganap. Live na to. Eto na yung moment of truth. Eto na yung oras na ipapakita mo na yung pagkalalaki mo sa kanya at ipagtatapat mo na yung nararamdaman mo. Mas maganda kung may element of surprise na magaganap. Yung cheesy pero sweet. For sure wala ng rason pa yan para tanggihan ka. At kapag nagawa mo na yun, ikaw ay gumaling na sa Torpetitis.


Mga brad. Wala naman talagang gamot sa pagiging torpe. Kailangan lang natin ng lakas ng loob para umamin. Yung lang. At wag ka ng magpaka torpe pa. Dadating yung araw na manghihinayang ka at sasabihin mo sa sarili mo na dapat pala nilakasan mo na yung loob mo nung una pa lang para hindi siya naagaw sayo ng iba.

Martes, Mayo 17, 2016

Different types of Girls na Liligawan mo.

Sa panahon ngayon, may kanya kanyang trip na yungmga kababaihan. Lalo na kapag college kana, ay hindi, kahit highschool pa nga lang minsan naglalabasan na yung mga ibat ibang hilig ng mga babae.

Ano ano nga ba yung iba’t ibang klase ng babae sa mundo ngayon at paano ka ba magpapakitang gilas para magustuhan kanila.

The  Kpop Fangirl. Sila yung mga babaeng adik na adik sa mga kantang hindi makarelate ang ilang Pilipino. Una kasi hindi mo siya maiintidihan kapag pinakinggan mo at siguro madalas maiisip mo na mga weird silang tao. Pero isa pa sa dahilan kung bakit patayna patay ang mga babaesa kpop ay ang mga mapuputing singkit na lalaki na may abs. So paano ka magpapapansin sa kanila? Una gumamit ka ng ilang Korean words kapag kausap mo siya kahit yung simpleng “Annyeong” (hi sa korean) lang yung sabihin mo madalas bibilib nasilasayo dun. Pangalawa, kung gusto mo talagang mapansin kaniya ayusin mo yung buhok mo katulad nung mga members ng EXO o BTS. Sabayan mo na ng porma. Yung naka skinny jeans ka, army boots, swag na t-shirt, and nerd glass (optional). Basta yung mga pormahang Lee Minho. At kung hindi ka parin niya napansin sa dalawang yun ilabas mo na yung alas. Pakitaan mo siya ng abs(pero bago mo gawin yun siguraduhin mo muna na meron ka ha) habang nasayaw ka. Gawin mo yung ginawa ni Jimin sa No more dreams (panoorin niyo na lang sa Youtube mga brad) tignan ko lang kung hindi ka pa mapansin niyan.

The Bestie. Sila naman yung mga babaeng hindi kayang mabuhay ng walayung best friend nila. Yung kahit pagpuntalang sa CR kailangan magkasama sila. So pano mo siya liligawan? Well kung ganto yung nililigawan mo kailangan mo ng mahabang pasensya sa best friend niya. Sila kasi yung madalas na hadlang sa ligawanniyo. Madalas sila din yung dahilan kung bakit nadadagdagan yung gastos mo kapag nagde-date kayo. Isa langnamanang kailangan mong gawin kung papaano mo mapapasagot yung gantong babae, ligawan mo din yung best friend niya. Hindi yung literal naligaw ha. Kailangan mo ding makuha yung loob nila at ipakita na walang kang gagawing masamasa best friend niya. Kapag nagawa mona yun, may  time pa minsan na yung bestfriend niya na mismo yung kukumbinsi sa kanya na sagutin ka.

The One of the Boys. Sila yung mga babaeng ang madalas kasama ay mga lalaki, pero hindi sila malandi katulad nung iniisip nung iba. Sadyang mas komportable lang talaga sila na kasama yung mga lalaki kaysa sa mga kapwa nila babae. Kung nasa gantong sitwasyon ka kailangan hindi ka selosong lalaki. Intindihin molang yung mga trip niya. And wag ka ding matakot na kausapin yung mga lalaking kaibigan niya. Sa una magiging mahigpit sila pero kapag nakita nila na okay ka naman para sa instant prinsesa nila edi nasayo na yung boto nila. At kung sasagutin ka man nungbabae na yan ingatan mo siya at wag na wag na wag na wag mo siyang lolokohin kasi nakahanda yung protection squad niya.

The Pa-Cool Kid. Yung  mga babaeng sumusunod sa kung ano lang yung uso. Yung kahit hindi naman bagay sa kanila yung suot nila ipagpipilitan padin nila. Sorry girls pero may ilan talagang ganyan sainyo. So paano nga ba silaligawan. Easy lang, first, pumorma ka din ng katuladsakanila. Kapag nakita na nung girl na ganyan yung porma mo mas madali ng magpapansin pa ulit sa kanya. Second, go get an iPhone. Yes! Kailangan mo ng iPhone, mas maiin love sila sayo kapag naka iPhone ka. Bagong fetish nga ata yan eh. Third, Fuck Boy hairstyle. Mag search ka ng mga hairstyle picture sa Google tapos ganyan ipagupit mo. Swear! Kahit hindi ka kagwapuhan makakabingwit ka ng magandang babae dyan. And last is kung magdedate kayo sa Starbucks mo siya dalhin. Kahit na gipit ka ganun talaga. Tiislang brad. Cool kid siya eh.

The Sporty. Kung manliligaw ka sa babaeng mahilig sa sports dapat alamin momuna kung ano yung gusto niyang sports. Tapos kung player o varsity man siya panoorin mo yung mga laro niya. Ipakita mo sa kanya yung support mo. Maging number 1 fan ka niya. Kung kailangan na maging water boy ka gawin mo! Basta dapat makita niya nai kaw yung tao na nandyan palagi sa tabi niya. Na ikaw yung magiging energy drink niya kapag pagod na siya sa laro niya.

The NBSB. Madaming pwedeng rason kung bakit hanggang ngayon wala pa silang boyfriend. Una, pwedeng strict ang parents nila. So kung ganun yung situation mas okay siguro kung wag mo muna siyang ligawan. Antayin mo munang dumating yung time na pwedena siyang mag boyfriend. Pangalawa, nag fofocus muna siya sa pagaaral niya. Well pwede mo naman siyang ligawan sa ganitong situation pero ipakita mo yung passion mo din sa pagaaral mo. Pwede naman kayong maging mag M.U. muna, tapos kapag nakapag tapos na kayo saka mo siya ligawan at sigurado ako maririnig mo ang isa sa pinakamagandang  OO sabuhay mo. Pangatlo, baka naman takot siyang masaktan. Kung ganto naman yung situation, then pasayahin mo lang siya arawaraw. Ipakita mo sa kanya yung ibang meaning ng love. At kung sasagutin ka niya, ang swerte mo kasi nasa history ka na ng buhay niya.

The Clingy. Brad kung ganyan naman yung liligawan mo, ako na nagsasabi sayo hindi mo na kailangan pang manligaw. Sakyan mo lang yung trip niya at magugulat ka na lang na isang araw ay nasagot ka na pala niya.

The Simple One. Siguro sila yung mga old-fashioned na babae at alam mo mas masarap manligaw ng ganung babae. Hindi mona kailangan ng kung ano ano pa, basta makita niya lang yung pagmamahal mo sakanya  at makita niya din na kaya mong maghintay ng matagal para langs sa kaniya, pasado ka na!

Madami pang iba’tibang klase ng babae. Kung gusto niyo pang makakita ng iba try niyong umupo lang sa isang mataong lugar at panoorin ang bawat babaeng dumadaan. Tignan niyo yung kilos,pananamit, o kung ano pang mapapansin niyo sa kanila.


Para sa mg lalaki naman, kung mahal mo talaga siya mag effort ka brad. At kung may balak ka lang makuhasa kanya, ngayon pa lang binabalaan na kita. Wag mo ng ituloy yan. Ang babae kahit ano pa man ang trip niyan minamahal yan. Hindi yan sinasaktan.

Hanggang Sa Dulo

Sa henerasyon ngayon, swerte mo na kung umabot kayo sa anniversary ng syota mo. At kung aabot nga kayo dun wag mo na siyang pakawalan pa. Nasayo na yung pinakamagandang kwintas, wag mo ng hayaang makuha pa ng iba.

Madami ang hirap sa long term relationship kasi yung iba mabilis mag sawa, “Pagod” na daw sila, o kaya namimiss nila yung pagiging single. Well, totoo naman yung sa pagiging single, pero mas masarap siguro kung merong isang tao na pwede mong kausapin kapag may problema ka, pwede mong yakapin kapag nalulungkot ka, pwede mong halikan kapag pakiramdam mo bibigay ka na at kailangan mo ng magbibigay sayo ng lakas.

So, paano nga ba nagtatagal ang ibang relasyon?
May pitong bagay na kailangan dyan. 

Trust- eto yung bagay na hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding pwedeng mawala sa isang relasyon. Parang pundasyon sa bahay ang trust eh. Sa pundasyon na yan kakapit ang ilan pang parte ng bahay mo.  So kapag mahina yung pundasyon niyo madaling magigiba ng bagyo o lindol yung pundasyon na yan, at kasabay niyang guguho ang iba pang bagay. Kaya dapat kung gusto niyo talagang tumagal kayo tibayan niyo ang pundasyon niyo, yung tipong kahit ilang lindol o bagyo pa yung dumating hindi nila kayo matitibag.

Faithfulness- Kung mahal mo siya wag ka ng maghanap ng iba. Kung may pagkukulang man siya sayo kausapin mo. Hindi yun rason para maghanap ka ng ibang magpupuno ng mga pagkukulang niya. At kung yung tukso man mismo yung lumapit sayo, matuto ka ng lumayo at iwasan yun. Hindi mo pwedeng sabihin na “natukso lang ako” ikaw yung may control sa utak mo at siyempre dahil utak mo yan, ikaw din lang ang makakagawa ng desisyon niyan. Kung mahal moa ng isang tao then maging faithful ka sa kanya.

Honesty- “Honesty is the Best Policy” yan yung madalas nating makita sa mga classroom nung elementary at high school tayo. Siguro naman sa tinagal tagal mo ng nakakakita ng ganyan eh naging tapat ka. Isa din kasi yan sa mga kailangan sa long term relationship. Magsabi ka lang palagi ng totoo. Wag mo ng doktorin yung mga kwento, dahil kapag nalaman niya pa sa iba yan mas malaking gulo yan. Kung may nagawa kang kasalanan ipag tapat mo. Ikwento mo yung saktong nangyari. Yung sakto ha. Walang labis, walang kulang.

Surprises- malaki din yung naibibigay ng mga surprises sa relationships. Kasi dito mo maipaparating sa kanya na kahit matagal na kayo hinding hindi ka parin nagsasawang mahalin siya ng buong puso. Makita lang ng taong mahal mo yung effort mo sa surprises na yun panigurado madadagdagan ng ilang percent yung pagmamahal niya sayo.

Meet my Parents- Oo brad. Maging proud ka at ipakilala mo siya sa magulang mo. Sa ganung paraan makikita niya kung gaano ba talaga siya kahalaga sayo. Iparamdam mo din na belong siya dun sa pamilya niyo at pwede siyang  isang araw maging miyembro ng pamilya na yun.

Pagsuko ng Bataan- hindi naman talaga siya kailangan pero may ilang nagsasabi na kapag naisuko niya na ang Bataan may tendency na  mas magtatagal kayo. Pero girls, wag niyo itong isuko basta basta at mas maganda kung isusuko niyo ito sa mismong araw ng kasal niyo. Isa yan sa pinakamagandang regalong matatanggap ng kapartner mo. And boys, kung sakali mang isinuko niya ang Bataan ng maaga, ingatan mo na siya. Binigay na niya yung buong pagkatao niya sayo, maghahanap ka pa ba ng iba? Ang kapal naman siguro ng mukha mo kapag ganun.

Fights- Yes! Tama kayo. Fights. Nagpapatibay din sa relasyon yung mga pagaaway niyo. Parang ganto yan. Sa kick boxing may training sila na hinahampas yung shin bone nila o yung buto sa may binti nila. Pwede mong kapain ngayon yan. Ginagawa nila yung paghampas na yun para magkaroon ng micro fractures sa buto na yun at kapag yung buto na yun ay naging okay na, magiging mas matibay na siya. Ganun din yung paga-away. Yung mga micro fractures na yun, yun yung mga lamat galing sa mga pagaaway niyo at kapag yun nalagpasan niyo mas kakayanin niyo ng harapin pa yung mga mas mabibigat pa na problema. Basta kailangan niyo lang pagkatiwalaan ang isa’t isa at magkasama niyong harapin ang mga hamon at problema sa relasyon niyo.

Para sa lahat ng mga nakaabot ng anniversary dyan, ako ay sumasaludo sa inyo. At tandaan niyo na KAYA NIYO YAN BASTA WALANG IWANAN. HAWAKAN NIYO ANG KAMAY NG ISA'T ISA HANGGANG SA DULO.

Brave Love

Bisexuals, gays, lesbians o kung ano  pa man yung  tawag niyo sa kanila. Sila yung mga taong nagkakagusto sa mga kapareho nila ng kasarian. Madami satin ang nandidiri sa gantong klase ng pagmamahalan, madalas pa nga silang pinagtatawanan, pero mga brad tao din sila at katulad mo karapatan din nilang magmahal at mahalin katulad mo o katulad natin. Yung iba madalas iniisip na “Lust” lang yung sanhi ng gantong relasyon pero hindi eh, meron yang pagmamahal hindi lang yan basta tawag ng laman.

Para sa mga may kapartner na kapareho nila at nahihiya pa, pwes ngayon pa lang lumabas kayo at ipakita niyo sa mundo yung pagmamahalan na meron kayo. Hawakan niyo ang kamay ng isa’t isa at sabay niyong harapin ang mga sinasabi nila sainyo. Hanggang dyan lang naman sila eh. Hanggang sa salita lang sila may maibabato sainyo. Mga salitang parang wala naman katuturan din minsan. Masanay na kayo sa mundong ‘to na halos lahat ng tao e huhusgahan ka. Kahit nga hindi mo kakilala, basta makita nila yung mga ginagawa mo huhusgahan ka na nila. Basta tumayo kayo dyan at ipakita niyo sa mundo na mali sila. Lahat tayo ay pantay pantay sa pagmamahal. Lahat tayo, kahit ano pa man ang kasarian natin, ay may karapatang magmahal at mahalin.

Para naman sa mga kaya ng tiisin ang mga paninira sa kanila, SALUDO ako sainyo. Nalagpasan niyo na ang isa sa mga pinakamahirap ng parte ng relasyon niyo. Deserve niyo ang relasyon niyong yan. Ingatan niyo ang isa’t isa.

Wala naming kasarian pagdating sa pagmamahal eh. Kapag ang utak nag release na ng hormones at nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso mo, yun na yun! Wala ka ng pakiaalam kung pareho kayong babae o lalaki ang mahalaga nagmamahalan kayo ng totoo. 

Linggo, Mayo 15, 2016

Friends Again?!

From ex to friends or best friends again. Isa yan sa mga pinakamahirap na pinagdadaanan ng mga dating mag bff na nasira ng pagiging mag syota nila ang kanilang dating closeness. Minsan nga himala ang kailangan para lang maibalik yung ganyan eh lalo na kung ang pangit nung break up niyo. Pero dahil sabi nga ni Nora Aunor "Walang Himala!"

So pano nga ba kayo magsisimula ulit sa pagiging mag kaibigan?

First is mag Move On muna kayo. Yung talagang move on ha, hindi yung masabing move on lang. Iwasan niyo muna yung isa't isa kahit mga 3 to 4 months lang. Siguro naman sa time span na yun okay na kayong pareho diba? 
Sa mga hindi pa nakakamove on. Basahin niyo yung isang Blog ko about dun. Baka makatulong yun.

After niyong mag move on dun na papasok yung:
AWKWARD STAGE. So dahil kakatapos niyo nga lang mag move on, may kaunting ilangan parin diyan.Yung pilit na ngiti, pilit na "Hi." Ayos lang yan. Parang umulit lang kayo sa umpisa niyan. nagkakapaan sa isa't isa kahit na saulo mo na yung lahat ng galaw niya. Tapos pag tritripan pa kayo ng mga kaibigan niyo. Yung pagtatabihin kayo tapos iipitin kayo. Well tama naman yung ginagawa nila. Para yun mawala yung "Hiya" niyo sa isa't isa.

APIR! STAGE. Eto na. Unti-unti na ulit kayong nasasanay sa isa't isa, papasok na dyan yung magpapatawa yung isa sa mga kaibigan mo tapos hindi mo na lang mamapansin na nakipag apir ka na sa kanya o kung ano pa. Wala na kayong ilangan nun kapag ganun. Well meron siguro pero kunting kunti na lang. Kung nagawa mo na siyang ma apiran, saludo ako sayo. Unti unti ka ng nakakaahon hamon ng pagiging makaibigan ulit. 

ACCEPTANCE STAGE. Usap din kayo. Yung matinong pag uusap ha, hindi yung plastican lang. Kung gusto niyo talaga na maibalik yung kung ano mang meron kayo nung dating dati pa, mag usap kayo. Explain your side and hayaan mo din siya na mag paliwanag tapos sabay niyong tanggapin yung katotohanan na hanggang dun na lang ulit kayo kasi alam niyo ng pareho na hindi talaga kayo para sa isa't isa at nabuhay kayo para maging mag kaibigan, tropa, bff, o kung ano pa. Nabuhay kayo para maging sandalan ng isa't isa kapag may problema. 

Para sa mga magbebest friends dyan na gusto niyong itry yung maging kayo ang masasabi ko lang is wag muna. Magpakiramdaman padin muna kayo kung "Tinadhana" ba talaga kayo. Isipin mo na lang yung maaring mawala sayo kapag nag break kayo. Para kang nawalan ng dalawang taong mahalaga sayo. Yung GF/BF mo at yung BestFriend mo. Itreasure niyo muna yung pagkakaibigan niyo. Dadating din yung panahon na, kung para talaga kayo sa isa't isa magiging kayo talaga. 

Huwebes, Mayo 12, 2016

M.O. NA! (Move On Na!)

Move on na! Salitang madaling bigkasin pero mahirap gawin. Bakit nga ba mahirap?
Kasi mahal mo pa siya?
Kasi nanghihinayang ka sa mga memories na ginawa niyo ng magkasama?
O di kaya baka dahil hindi ka sanay na wala kang syota?
Well lahat yan ay pwedeng dahilan kung bakit nga ba hirap na hirap mag move on ang mga tao.
Pero pano nga ba mag move on? Well. madali lang naman siya kung short term lang yung relationship niyo pero kung umabot yan ng taon mahirap talaga siya.

Okay! Tips para makamove on ka na at para matigil na yung kadramahan mo.

1.Emo Stage.
Eto yung stage na makikinig ka ulit ng mga malulungkot na kanta, iiyak ka, magpopost ka ng puro kadramahan sa buhay. Okay lang yan. Ilabas mo lang yang nararamdaman mo. Okay lang na magdrama ka for 3 days pero kung isang linggo na at nagdradrama ka padin iba na yan. Wag mong sayangin yung luha mo para sa isang tao na hindi naman alam yung halaga mo. Hindi niya deserve yung bawat luha na nalabas sa mata mo.

2. The Ampalaya Stage.
Yes! Ampalaya! Maging bitter ka. Isipin mo lahat ng negative sa kanya. Isipin mo na mataba siya, madaming tigyawat sa mukha niya, mabaho hininga niya, basta lahat ng pangit sa kanya isipin mo yun. sa paraang yan mabilis mawawala yung nararamdaman mo sa kanya. Okay lang naman maging bitter eh. Basta alam mo lang kung kailan ka dapat maging bitter.

3. Alzheimer's Stage.
'Eto yung stage na unti unti mong kinakalimutan yung lahat ng nangyari sainyo. Buburahin mo na sa Long term memory mo yung mga pinaggagawa niyo dati. Alisin mo lahat ng gamit na nagpapaalala sa kanya o kahit ano pa yan basta iwasan mo yung kung ano mang magpapaalala sa kanya. Tiis-tiis muna. Ganyan talaga. Para din naman yan sa ikagaganda ng buhay mo. I-divert mo na lang yun attention mo sa ibang masasayang bagay lalo na sa studies mo o kaya sa career mo. Wag mong hahayaan na makasira ang break up niyo sa buhay mo.

4. Be Brave Stage.
Eto yung huling dapat mong gawin. Ngayon na nakabangon ka na sa pagkalugmok mo, 'eto na yung pagkakataon para bumangon ka at harapin ang taong nanakit sayo at isupalpal sa kanya yung nakangiti mong mukha na parang sinasabi sa kanya na "ano ka ngayon? nakalimutan na kita at masaya na ako" Ipakita mo sa kanya na hindi ka mahina, ipakita mo na hindi siya karapat dapat iyakan at pagmukmukan. OKAY?

Kasama talaga sa paghanap ng tamang tao sayo ang break ups. Okay lang yan. Lahat ng tao nadaan din sa ganyang sitwasyon basta tandaan mo lang, kung hindi siya para sayo bitaw na agad wag mo ng ipagpilitan pa yung sarili mo sa kanya. And isa pa. Bangon agad!  


Malayo man Malapit din

Madaming klase ng relationship ngayon, isa na dito yung L.D.R. o Long Distance Relationship. Isa to sa mga complicated na klase ng relationship. Why? Kasi sa text, chat or Skype lang kayo nakakapag usap ng maayos. Tanging internet lang ang connection na meron kayo. Saka isa pa sa nagpapacomplicate sa relationship is yung wala kang idea kung ano nga ba talaga yung ginagawa nung taong mahal mo habang hindi ka niya kasama. 

Ako mismo napagdaanan na yung gantong sitwasyon, so para sa mga makakaranas palang ng gantong klaseng relationship, ano nga ba yung dapat niyong gawin para makasurvive kayo sa ganto.

First thing na kailangan niyo is yung TRUST sa isa't isa. Yan yung parang magiging foundation ng relationship niyo. Kapag yang trust na yan wala sainyo saglitan lang yang magiging relasyon niyo. Okay lang naman maging paranoid minsa na iisipin mo na may kasamang ibang lalaki/babae yung syota mo pero wag naman palagi diba? Lalo na kayong mga babae. 

Second is COMMUNICATION. Kahit anong klase pa yan mapatext, chat, tawag, Skype, Facetime etc. basta dapat meron at meron kayong communication sa isa't isa. Dyan niyo kasi mararamdaman na kahit na ilang kilometro yung layo niyo sa pakiramdam niyo katabi niyo padin siya. Kahit na gano pa kayo ka busy sa ginagawa niyo always give time to text or chat your gf/bf. 

Third is FAITHFULNESS. Kahit anong ganda pa ng communication mo kung nantataksil ka naman sa syota mo wala din. Dapat kahit anong tukso pa yung lumapit sayo o kung sino pang demonyo yan, matuto ka dapat na lumayo. Resist them. Isipin mo na lang yung magiging reaction ng partner mo kapag nalaman niya na hindi ka faithful sa kanya. Masisira yung Trust niya sayo and bibigay yung relationship niyo sa isang iglap lang. 

Fourth is HONESTY. Ikwento mo sa kanya yung nangyari sayo araw araw. Kahit yung mga walang kwentang pinag gagawa mo at kung may nagawa ka mang kabulastugan man up and sabihin mo sa kanya. Mas maganda yung sayo mismo manggaling kaysa malaman niya pa sa iba. And kapag nasabi mo na yung totoo ipaliwanag mo kung bakit. Kung masama man talaga yung nagawa mo hayaan mo lang muna siya na magalit and kapag nagcool down na saka ka magpaliwanag in a very nice way. Basta be honest all the time okay?

Last is LOVE. Love. Imagine kung wala kayo nito. Kahit anong tiwala mo sa partner mo o kahit anong ganda ng komunikasyon niyo, o kahit anong faithful at tapat sa kanya kapag wala na kayo niyan wala na. Distance lang naman yung naghihiwalay sainyo eh. Pero yung puso niyo connected parin yan. LOVE>DISTANCE yan yung formula sa love and distance. Kahit na anong layo niyo sa isa't isa basta mahal mo siya at handa kang gawin lahat para sa kanya magagawa niyo yan at makakasurvive din kayo.  

Miyerkules, Mayo 11, 2016

Panliligaw 101

Madaming lalaki dyan yung hanggang ngayon takot parin manligaw. Actually hindi naman sila takot manligaw, takot silang ma "basted" nung nililigawan nila. Masakit nga naman talaga yun, pero ganun talaga may times na kailangan nating masaktan. Ngayon para sa mga lalaking nag babasa nito may ibibigay akong ilang tips sainyo na kung papaano nga ba kayo dapat manligaw.

1. Man Up!
Magpakalalaki ka. Ayaw nung ibang mga babae nung manliligaw na mas pabebe pa sa kanila. Kung may gusto ka sa isang babae sabihin mo sa kanya. Magtapat ka sa harap niya at sa harap ng kaibigan niya hindi yung sa text ka magsasabi ng nararamdaman mo. Mas malaki yung chance na pagbigayan ka niyang ligawan siya kung sasabihin mo mismo yun sa kanya ng harap harapan. Kung mabasted ka man, ayos lang yan pupusta ako sa dulo pagbibigyan ka parin niyan. Trust me!

2. Don't Be a Creepy Stalker
Madaming lalaki ang nagawa nito ngayon para malaman lang yung gusto ng nililigawa nila o para mapansin sila. Ako mismo gawain dati yung ganto pero mga brad ayaw nila ng ganyan, mas maganda pa siguro kung tanungin mo sila sa mga paborito nila.
Isa pa. Kung sa Social media mo siya ini-istalk wag na wag na wag na wag mong ila-like yung mga lumang pic niya. Lalo na yung mga picture niya sa "Jeje Era" niya. Bagsak ka na agad dun brad. Maghanda handa ka na din sa posibleng World War III na mangyari.

3. Not All Girls are Materialistic
YES! Iba-iba ang trip ng mga babae. Yung iba gusto ng regalo yung iba gusto naman ng effort. Pero kung ikaw yung lalaki na mahilig mag bigay ng regalo, well kailangan mo ding magbago paminsan minsan. Para sakin hindi effort yung pagbibigay ng regalo like chocolates, flowers or whatsoever. Nasan yung effort dun? Nasa pagbili mo ng bagay na yun? No brad! mali yun. Mas maganda siguro kung bigyan mo sila nung bagay na alam nilang pinaghirapan mo. Mas malaki yung chance na sagutin ka nila sa ganung paraan, pero kung sasagutin ka man nila ituloy tuloy mo naman yung pagiging maeffort mo hindi yung hanggang panliligaw ka lang.
Meron din namang ibang babae na iparamdam mo lang sa kanila na mahal mo talaga sila okay na sila sa ganun.

4.Effort! Effort! Effort!
Halos kapareho lang to ng number 3, pero dito lalabas yung mga ano nga yung kailangan mong gawin. Well, kung nabasa mo yung unang blog ko nandun yung makalumang paraan. pwede mong gamitin yun para maipakita yung effort mo. Isa sa mga pinakamagandang gawin ay ang haranahin siya. Oo, makaluma na kung makaluma pero malamang sa alamang kikiligin yan. Haranahin mo siya sa kantang paborito niya at para maipakita yung effort mo gawan mo din siya ng kanta. Mahirap siya diba? Pero brad! worth it yan! makikita pa ng pamilya niya yung ginawa mong effort sa kanya.

5. Ligawan Mo Din Magulang Niya.
Nasa usapang magulang na din naman tayo well eto na yung number 5. Wag kayong matakot sa magulang nila. Okay lang sa una pero wag yung palagi. Sa umpisa lang yan magiging matanong at mabusisi pero kapag naipakita mo na yung sarili mo sa kanila at alam naman nila na karapat dapat ka naman para sa prinsesa nila magiging okay din kayo niyan. Para sa mga first timer gagana yung pagdadala ng mga pagkain na paborito ng magulang nila tapos usap usap lang kayo ganun lang. Basta ang Golden Rule ay WAG KANG KAKABAHAN!

6. Show Your True Personality.
Kung kalog ka ipakita mo sa kanya yun. Kung may pagka perv ka ipakita mo yun. Ipakita mo yung totoong side mo. Yung side na kaya mong pangatawanan hanggang sa dulo. Hindi tulad nung iba na nagbabago pa para lang magustuhan sila nung nililigawan nila. For me that is cheating, and cheaters never win. Sa bandang dulo kapag nakita nung babae yung ugali mo may possibility na magkahiwalay kayo.

7.Treasure Her.
Isa to sa mga gusto ng mga babae kapag nililigawan sila. yung ipapakita mo sa kanila na sobrang halaga niya para sayo. Pano mo maipapakita yun? First, wag mo siyang hahayaang umuwi mag-isa. Second, Hold her hands surprisingly. Yung tipong kayong dalawa lang tapos  bigla mong hahawakang yung kamay niya. Kikiligin  yan. Third, do girly things with her. Fourth, no kiss! Kahit saan pa yan. Wag mo muna siyang ikikiss. Hayaan mo na siya yung mauna, o kaya ikiss mo siya kapag kayo na. Para sweet naman yung first kiss niyo.

8. Always Make Her Smile
 Last but not the least. Sa mga nanliligaw diyan na nagbabasa nito ngayon, palagi niyong gagawin to. Sa kahit anong paraan dapat mapasaya mo sila. Kahit sa walang kwenta mong jokes, sa pagkanta ng wala sa tono, kahit nga sa pagtitig lang sa mata nila eh. Basta mga brad gawin niyo lahat mapasaya lang sila okay? Napakaimportante nito.

Sa mga nanliligaw diyan Good luck mga brad! nawa'y nakatulong yung ilan kong tips sainyo. At para naman sa mga hanggang ngayon ay Torpe parin. 2016 na! magpakalalaki na kayo okay? Sige ka baka maunahan ka pa ng iba d'yan. Ikaw din.

Makaluma O Makabago?

PANLILIGAW o courting sa ingles. 'Eto yung ginagawa ng mga lalaki para mapasagot nila yung babaeng gusto nila. Ibang iba na nga daw ang paraan ng panliligaw ng mga kabataan ngayon kaysa noon, pero pwede padin naman nating gawin yung mga dating paraan ng panliligaw para makuha natin yung inaasam asam natin na "oo."

Sa panahon ngayon may dalawang klase na ng panliligaw. Ang MAKALUMA at ang MAKABAGO. |So, kung sa ngayong henerasyon mo gagawin yung "Makalumang" paraan mas maipapakita mo yung sinseredad mo sa babaeng liniligawan mo. Sa paraang ito mas madali siyang kikiligin at anong malay natin baka mabilis niyang ibigay yung oo na inaantay mo.
Kung ang "Makabagong" paraan naman ang gagawin mo sa henerasyon ngayon parang ang simple na lang niya. Lalabas kayo, bibigyan mo siya ng regalo o ng kung ano ano, bibisita ka sa kanila, magliligawan kayo sa text o kaya sa chat. makukuha mo nga yung oo niya pero madalas madalian lang yung magiging relasyon niyo. Kung may babae mang magbabasa nito, tanungin niyo yung sarili niyo. Ano nga ba ang gusto kong panliligaw na gagawin sakin?