Linggo, Mayo 22, 2016

Next Level

Marami satin gustong maging kapartner  yung bestfriend natin. Lalo na kapag matagal na kayong mag bestfriend. Yung tipong saulo niyo na yung isa’t isa. Alam mo kung ano yung ayaw niya at yung gusto niya. alam mo kung ano yung bawal at pwede sa kanya. Pero may part din na natatakot ka kasi baka kapag umamin ka e maging dahilan yun para masira yung pagkakaibigan niyo.

Madalas din kapag umamin ka agad ng pakiramdam mo sa kanya ay humahantong lang ito sa friendzone. Kaya dapat wag padalos dalos.

Papaano mo nga ba dapat aminin sa bestfriend mo na gusto mo ng itaas pa yung level ng friendship niyo.

Una dapat sigurado ka na sa pakiramdam mo. Magtatlong isip ka kung kailangan at kapag sigurado ka na saka mo gawin yung pangalawa.

Pangalawa, magbigay ka muna ng mga signs na in love ka na sa kanya. Kamustahin mo siya palagi, alamin mo kung kumain na ba siya. Basta kailangan iparamdam mo muna sa kanya yung nararamdaman mo. Pero wag mo munang sasabihin.

Pangatlo, magplano ka na kung paano ka ba aamin sa kanya. Pero bago ka magplano alamin mo muna kung siya ba yung babae na gusto yung surprises o baka gusto niya ng simple lang. Yung kayo lang. Kapag nalaman mo na yun saka mo simulang gawin yung mga gagamitin mo sa pag amin sa kanya.

Pangapat, isipin mo na yung sasabihin mo sakanya kapag umamin ka na. Maikli man yan o mahaba ayos lang. Ang mahalaga e galing sa puso mo yung sinasabi mo.


Panglima at huli. Ipakita mo na yung ginawa mo at umamin ka na sa kanya. Wag kang magpapadala sa kaba. Aminin mo dun sa bestfriend mo na gusto mo siya at gusto mong dalhin na sa next level yung friendship niyo. Kung hindi man siya pumayag ayos lang yan. Ganyan talaga minsan. Hindi sa lahat ng oras nakukuha natin yung gusto natin. Pero kung pumayag siya at naging kayo na, wag mo na siyang pakawalan pa at mahalin mo siya higit pa sa pagmamahal mo sa kanya nung magkaibigan pa kayo. 

Masarap sa pakiramdam kung magiging kapartner mo yung bestfriend mo. Wala ng kapaan pa kasi alam niyo na naman yung isa't isa eh. Saka sobrang swerte mo kung magiging kayo. Wag niyo ng pakawalan pa ang isa't isa kasi imagine, may bestfriend ka na may partner in life ka pa, and malay mo one day maging magasawa pa kayo diba?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento