May forever ba? Tanong na madalas pinagtatalunan ng mga
taong may love life at ng mga taong bitter sa love life nila. Siyempre kung may
love life ka malamang sasabihin mo na may forever at katabi mo yung “Forever”
mo at siyempre kung bitter ka isa ka sa mga tao na nasigaw ng “Walang
Poreber!!!”
Ikaw at ikaw lang din naman ang makakasagot ng tanong na yan
eh. Nasa paniniwala mo na yan. kung iisipin mo na may Forever edi magkakaroon
talaga para sayo., pero kung iisipin mo naman na wala edi wala talaga. Ganun
lang naman yun eh. Ikaw lang ang makakasagot niyan. Hindi mo kailangan na mang
away pa ng tao para lang sabihin yung side mo. May kanya kanya tayong
paniniwala.
Kung ako naman ang tatanungin niyo ang sagot ko is OO para
sakin may Forever. Kahit na sa tingin ko hindi ko pa nahahanap yung forever ko,
oo may forever. Hindi lang naman kasi natatapos yung relasyon o pagmamahalan ng
dalawang tao sa simpleng break up lang diba. Admit it kahit kunti may
nararamdaman ka padin sa mga naging karelasyon mo. At kung iniisip naman nung
iba na walang forever kasi eventually dadating yung oras na iiwan niyo na yung
mundo, well nagkakamali kayo.
Kahit ang kamatayan hindi kayang pigilan ang
pagmamahalan ng dalawang tao. kung mahal niyo talaga ang isa’t isa kahit sa
huling segundo niyo dito sa mundo ay mananatili ang pagmamahalan na yun. Nasa
puso din kasi minsan ng isang tao yung forever. Yung kahit na nasa ilalim ka na
ng hukay iisa padin ang tinitibok ng puso mo at forever na yan dyan. Kahit na
sa kabilang buhay ay mananatili parin yung pagmamahalan niyo sa isa’t isa. Kaya
para sakin may forever.
Kanya kanya na lang na paniniwala yan. Basta ang mahalaga
mahalin natin yung tao na nagpapahalaga satin at kung wala ka man nun, chill ka
lang dadating at dadatin din yang taong yan sa buhay mo. Dadating din yung
Forever mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento