“Bigyan mo pa ako ng isa pang chance please.” Madalas nating
naririnig yan sa isang lalaki o babae na nasa process ng break up. Pero worth
it nga ba yung pagbibigay ng one more chance sa isang tao na sinaktan ka na at
hindi malayong saktan ka ulit. Well kung katulad ka nung ibang tao na natatanga
pagdating sa pag-ibig ayos lang sainyo yun. Kahit ilang chance pa nga ata kaya
niyong ibigay basta nasa ilalim kayo ng sumpa ng pag-ibig. Isa pa, kung isa ka
sa mga masweswerteng tao na hindi tinatablan ng sumpa ng pag-ibig ang ibig
sabihin lang nun ay mahal mo talaga yung tao.
Ganun naman yun eh. Kapag mahal mo talaga siya handa kang
pasukin yung sumpa ng pag-ibig wag lang siyang mawala sayo. Pero bakit nga ba
tayo pilit nagtitiwala sa isang tao na alam naman nating lahat na pwede niyang
ulitin yung kamaliang nagawa niya? Ako mismo hindi ko alam yung sagot kasi
madalas kapag nagmamahal ako e nasa ilalim ako ng sumpa. Pero sa tingin ko kaya
tayo ganun, kasi tayo yung mga klase ng tao na handang masaktan ng paulit-ulit
basta mabago lang natin yung ugali ng taong mahal natin.
Para naman dun sa mga taong binibigyan pa ng one more chance
na yan. Ingatan niyo na naman yan. Isipin niyo na pangalawang buhay niyo na
yan. Kayo yung mga masweswerteng tao na mayroong isang tao na nagmamahal sainyo
ng totoo na kahit ilang chance pa ibibigay niya para lang sayo. Wag niyo naman
silang abusuhin ha. Kasi kapag sila napagod na, wala na, kahit anong
pagmamakaawa mo hindi mo na siya makukuha pa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento