In every relationship palaging merong nasasaktan at
nananakit. Pero kung may reason ba kung bakit mo siya sinaktan, maiintindihan
niya kaya yun?
May mga relationship na parang mapupunding ilaw, patay
sindi. Oo part siya ng relationship pero sign din siya na hindi na healthy yung
relationship niyo. Admit it, one day mapupundi din kayo.
Masakit satin na makitang umiiyak yung partner natin kapag
nakikipag break tayo sa kanila. Parang dinudurog yung dibdib natin ng pinong
pino. At siyempre dahil nga “Mahal mo siya” magkakabalikan kayo kahit na sa
loob mo ay ayaw mo na kasi alam mo na wala na kayong pag asa.
Okay lang ba sayo na masaktan habang nakikita siyang masaya?
Kung oo yung sagot mo isa kang dakilang martyr, pero hindi na uso yan. Oo
nakikita mo siyang masaya, pero paano kapag nalaman niya na hindi ka na masaya
at pinipilit mo lang? Dobleng sakit yung mararamdaman niya. Tapos mapapaisip ka
na sana binitawan mo na lang talaga siya, edi sana ngayon ay nag momove-on na
siya.
Para mo siyang pinaasa at mas masakit yun kaysa sabihin na
wala na talaga. Pinaasa mo siya na may pag asa pa kayo pero ang totoo wala na pala. Wag mo na siyang pakapitin pa sa tali na alam mo naman na nakakasakit na sa kanya. Oo magiging masaya siya pero sa sandaling yun pero paglagpas ng ilang buwan o linggo wala na. May masasaktan at masasaktan sa ginagawa niyong yan.
Normal lang naman masaktan ang isang tao. Panandalian lang naman yung sakit na yun.
Pinapaanood mo siyang nasusugatan habang pilit na kumakapit
sa taling naguugnay sainyo. Pero diba pwede mo naman putulin yung taling yun
para hindi na siya masaktan pa. Oo masasaktan din siya sa pagbagsak niya pero
malay mo may isang tao na nandun para saluhin siya.
Tanungin mo yung sarili mo. Okay ba sayo na makita siya na masaya sa maiksing panahon lang tapos ay masasaktan ulit siya o mas okay sayo na masasaktan siya pero after nun magiging masaya siya sa piling ng iba?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento