Para sa mga lalaking may girlfriend diyan, para sainyo to.
Red days. Eto yung mga araw na mas nagiging abnormal yung mga babae. Eto rin yung araw o mga araw na pinaka ayaw ng mga
babae at pati narin ng mga lalaki.
Bakit?
Nadodoble ang gastos
Palaging galit sa kanila ang gf nila kahit wala silang
ginagawa.
Instant break up stage.
At marami pang iba.
Pero ano nga ba ang kailangan gawin ng mga lalaki para hindi
sila awayin ng gf nila.
Kung meron ang gf mo kailangan intindihin mo siya ng todo
todo. Isipin mo na lang n dahil sa hormonal imbalance kaya sila nagkakaganun.
Tapos sasabayan pa ng sakit ng puson nila. Masakit nga naman yun.
Wag mo siyang aasarin o aawayin habang meron siya. Not
unless matapang ka at kaya mong harapin ang dragon na nagigising lang tuwing
meron sila. Mararanasan mong masigawan, masampal, mamura, or worst pwedeng
makipagbreak yan sayo. Pero madalas panandalian lang yung break up na yun.
Basta maging sweet ka lang sa kanya.
Ibigay mo lahat ng pagkain na gusto niya. Oo nakakapag
pagaan ng mood nila yun. Bilhan mo siya ng ice cream or fries or anything na
gusto niyang kainin. Dagdag gastos, oo pero ilang araw lang naman yan eh. gawin
mo mag ipon ka palagi ng pera na gagastusin mo everytime na meron siya.
Asikasuhin mo siya. May ibang babae kasi na grabe kapag
nagkakaroon sila. Hindi lang basta nasakit yung puson nila, minsan hindi pa
sila makatayo o minsan pa nga kailangang dalhin sa ospital. Sa mga panahong
ganto kailangan asikasuhin mo siya. Dapat maging personal nurse ka niya. Bilhan
mo na din siya ng napkin. Wag kang mahiya na bilhan nun ang gf mo, kasi sobrang
kailangan niya nun.
Hayaan mo kung pagtawanan ka nila sa tindahan o sa
supermarket habang hawak yun. Problema na nila yun.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento