Ilan satin panigurado nainlove o nagkagusto na sa best
friend ng ex nila. Minsan nga habang kayo palang nung ex mo may feelings ka na
para dun eh. Pero paano ka aamin sa bestfriend ng ex mo?
Sa sitwasyon na to madaming pwedeng mangyari na masama. May
dalawa kasing pwedeng scenario dyan.
Yung tip na to pwede sa lahat pero usually para to sa mga
lalaki.
SCENARIO #1
Kapag ikaw ang nakipag break.
Usually, kapag ikaw yung nakipagbreak ikaw yung lalabas na
bad guy. Kahit saang anggulo mo tignan. Ikaw at ikaw ang lalabas na masama sa
mga kwento niya. So, sa gantong sitwasyon, paano mo makukuha yung tiwala ng
bestfriend ng ex mo?
Una, palipasin mo muna yung mga buwan. Wag kang padalos
dalos brad. Dahil kapag ilang buwan pa lang tapos umamin ka na agad dyan
panigurado sisiraan ka ng ex mo at iisipin din nung isa na, oo nga baka lokohin
mo lang siya.
Pangalawa, makipag ayos ka sa ex mo. Siguro naman sa time na
yun pareho na kayong naka move on. Makipag ayos ka para maging friends ulit
kayo at siyempre para hindi ka niya siraan dun sa isa.
Pangatlo, kausapin mo na yung bestfriend niya. Tanungin mo
yung mga pinag kukwento sa kanya nung ex mo tungkol sayo tapos saka mo iexplain
yung side mo. Mag pa good shot ka.
Pangapat, baguhin mo yung ugali mo. Ipakita mo na hindi na
ikaw yung taong nanakit sa bestfriend niya. Pero dapat seryoso ka sa pagbabago
mo ha. Hindi yung magbabago ka lang ng panandalian kasi gusto mo siyang makuha.
Wag ganun brad.
Panglima, umamin ka na dun sa bestfriend ng ex mo na may
gusto ka sa kanya. Pero bago mo gawin yung kailangan nagbago ka na talaga ha.
And dapat nakuha mo na yung loob niya. And kapag umamin ka na siguraduhin mo na
seryoso ka ha. Hindi yung dahil trip mo lang yung bestfriend ng ex mo.
Pang anim, umamin ka din dun sa ex mo na may nararamdaman ka
na sa bestfriend niya. Dito na lalabas yung problema.
Dito pwedeng masira yung friendship nila ng bestfriend niya
lalo na kung may feelings na siya sayo.
Pwede din na siraan ka parin nung ex mo
kahit na mag kaayos na kayo. Oo posilble yun. At ang kailangan mo lang gawin ay
ipakita din sa ex mo na hindi na ikaw yung dati, iexplain mo sa kanya na wala
kang masamang intension sa bestfriend niya. iexplain mo yung buong nararamdaman
mo. At kapag nagawa mo na yun, makikita mo na yung ex mo pa mismo yung tutulong
sayo para maging kayo.
Dun naman tayo sa pangalawang scenario.
SCENARIO#2
Kapag yung ex mo yung nakipagbreak.
May tatlong reason kung bakit siya makikipag break sayo.
Una, dahil may problema sayo. Pangalawa, dahil may problema sa kanya. At
pangatlo, dahil may problema sayo. Oo, mas lamang talaga yung sayo. Kasi kapag
sila nagkwento panigurado ikaw ang masisira.
Well ganto yan. Siguraduhin mo muna
na wala na talaga siyang feelings para sayo. Wag lang basta 100%, kailangan mga
1,000,000% sure na wala na talaga. Kasi minsan yung mga babae hindi
maintindihan yan eh. Makikipag break sila tapos aabangan nila na balikan mo
sila. Kaya kung hindi pa ganun ka sure na wala na talaga yung feelings niya
para sayo wag ka munang umamin ha. Malaking gulo maidudulot niyan kapag umamin
ka agad. Iisipin ng ex mo na kaya hindi ka na nakipag balikan sa kanya dahil sa
bestfriend niya. Tapos mag aaway sila and ngayon pareho na silang galit sayo.
Basta ang first step dito is,
siguraduhin mo muna na wala ng feelings para sayo si ex and saka mo gawin yung
step 1-6 sa una.
May idadagdag lang ako dun sa
pangatlong step. Iexplain mo ng totoo
yung nangyari. Kung ikaw yung may mali edi ikwento mo, tapos saka mo iexplain
yung side mo. Kung yung ex mo naman yung cause ng break up, ikwento mo pero wag
mo ng palalain yung kwento ha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento