Madali lang sabihin na naka M.O. na tayo, na nakalimutan na
mo na siya at hindi ka na magiging bitter pa. Pero sigurado ka ba talaga na
naka move on ka na? Kung hindi pa pwes dito mo malalaman kung naka move on ka
na ba.
Ang pinaka una mong kailangang gawin siyempre mag move on ka
muna. Kung hindi mo pa nagagawa yun baka makatulong sayo yung isa kong blog.
So paano mo ba malalaman na naka move on ka na?
Una, kapag kaya mo na siyang harapin ng matagal o kaya kapag
kaya mo ng marinig yung pangalan niya ng parang wala lang sayo. Bakit kailangan
to para malaman na naka move on ka na talaga? Kasi dito mo malalaman kung
sumisingit pa ba yung mga memories niyo sa utak mo. Kasi kung hindi ka pa
nakakamove on panigurado magfla-flashback sayo lahat.
Pangalawa, kapag kaya mo ng maging masaya ulit. Yung saya
nung hindi pa kayo. Kasi magkaiba yung sayo nung hindi pa kayo dun sa saya nung
kayo na, at ang kailangan mong ibalik is yung saya nung hindi pa kayo. Madalas
hindi ikaw yung makakapansin nito. Yung mga kaibigan mo yung makakapansin ng
ganyan kaya tanungin mo din sila.
Pangatlo, kapag hindi na siya napasok ulit sa utak mo.
Magkaiba to dun sa una kasi dito yung biglaan mo na lang siyang maiisip. Kung
naka move on ka na talaga hindi na mangyayari sayo to. Dapat naka banned na
siya sa utak mo.
Pangapat, dapat ready ka na makita siya na may kasama siyang
iba. Oo kung makita mo man na may kasama siyang iba dapat tanggapin mo yun.
Kapag nasaktan kai big sabihin hindi ka pa nakaka move on, pero kapag okay lang
sayo edi congrats kasi naka move on ka na.
Panglima, kapag naramdaman mo na may space na ulit sa puso
mo. Mararamdaman mo na lang to isang araw. Gagaan yung pakiramdam mo,
makakangiti ka na ng maayos, ayos lang sayo na makita siya kahit sobrang tagal
pa. Eto na yung time na sure na sure na sure na sure ka ng naka move on ka
na.
At ang huli, kapag ready ka ng punan ulit yung space na yun
sa puso mo.
Mahirap naman talagang mag move on lalo na kapag mahal mo
yung isang taong nawala sayo, pero ganun talaga.
May time talaga na kahit gaano
sila kaimportante satin kailangan natin silang kalimutan, actually hindi, hindi
mo naman talaga sila kakalimutan, kailangan mo lang silang ilagay sa
iyong nakaraan at ipagpatuloy yung pagsusulat sa pahina ng buhay mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento