Paano kung bigla bigla na lang siyang sumuko sa
realationship niyo?
Paano kung dahil lang sa isang pagkakamali ay iwan ka niya?
Anong gagawin mo para makuha ulit siya o para mabalik ulit
siya sayo?
Well, mga brad isa yan sa mga mahirap na laban nating mga
lalaki. Papano mo susuyuin ang isang babae na gusto ng lumayo sayo?
Okay, may ilang technique ako na ibibigay sainyo.
Pero bago yun, mga brad tandaan niyo to. Kailangan masuyo
niyo siya sa loob ng 72 hours, kung hindi niyo masusunod yung 72 hour rule
bababa na ang chance niyo na magkabalikan pa ulit. Kaya mga brad kilos agad.
Una, magsorry ka ng magsorry sa kanya. Kahit siya pa yung
may gawa kung bakit kayo magbebreak. Wala ng time para sa pride dito. Kung
gusto mo talaga siyang bumalik sayo wag kang tumigil sa paghingi ng sorry sa
kanya. Pero ingat ingat din minsan dito ha. Kapag nakulitan na siya sa kaka
sorry mo, tigil ka muna. Palamigin mo muna yung ulo niya.
Pangalawa, mag paawa ka ng kunti. Oo effective yun sa
gantong sitwasyon. Basta dapat makatotohanan yung pagpapaawa mo ha. Hindi yung
sobrang O.A. dapat tama lang.
Pangatlo, kunsensyahin mo siya. Itext mo siya o kaya ichat
mo siya o mas maganda gumawa ka ng sulat para sa kanya. Dapat
makabagbag-damdamin yung message na nandun ha. Yung mapapasabi siya ng “Aww…
bakit ko ba iiwan tong tao na to? Mahal na mahal niya ako oh.”
Pang apat, gumawa ka ng surprise para sa kanya. Yung medyo
bongga ha. Pwede kang manghingi sa mga kaibigan mo ng tulong dito. Dapat makita
niya yung effort mo dito, kasi dun niya makikita kung gaano ba talaga siya
kahalaga sayo. Dapat makita niya na lahat kaya mong gawin para lang sa kanya.
Paiyakin mo siya kung magagawa mo. Hindi yung iyak na sasaktan mo siya ha, yung
tears of joy dapat. At panigurado babalikan ka niyan.
Mga brad, kung nakipagbalikan na siya sayo, wag mo ng hayaan
pa na mawala ulit siya. Wag mo na siyang pakawalan pa. At kung sakali man na
makipag break ulit siya sayo, gawin mo lang ulit yung mga ginawa mo dati, pero
baguhin mo din yung iba ha.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento