Madaming lalaki dyan yung hanggang ngayon takot parin manligaw. Actually hindi naman sila takot manligaw, takot silang ma "basted" nung nililigawan nila. Masakit nga naman talaga yun, pero ganun talaga may times na kailangan nating masaktan. Ngayon para sa mga lalaking nag babasa nito may ibibigay akong ilang tips sainyo na kung papaano nga ba kayo dapat manligaw.
1. Man Up!
Magpakalalaki ka. Ayaw nung ibang mga babae nung manliligaw na mas pabebe pa sa kanila. Kung may gusto ka sa isang babae sabihin mo sa kanya. Magtapat ka sa harap niya at sa harap ng kaibigan niya hindi yung sa text ka magsasabi ng nararamdaman mo. Mas malaki yung chance na pagbigayan ka niyang ligawan siya kung sasabihin mo mismo yun sa kanya ng harap harapan. Kung mabasted ka man, ayos lang yan pupusta ako sa dulo pagbibigyan ka parin niyan. Trust me!
2. Don't Be a Creepy Stalker
Madaming lalaki ang nagawa nito ngayon para malaman lang yung gusto ng nililigawa nila o para mapansin sila. Ako mismo gawain dati yung ganto pero mga brad ayaw nila ng ganyan, mas maganda pa siguro kung tanungin mo sila sa mga paborito nila.
Isa pa. Kung sa Social media mo siya ini-istalk wag na wag na wag na wag mong ila-like yung mga lumang pic niya. Lalo na yung mga picture niya sa "Jeje Era" niya. Bagsak ka na agad dun brad. Maghanda handa ka na din sa posibleng World War III na mangyari.
3. Not All Girls are Materialistic
YES! Iba-iba ang trip ng mga babae. Yung iba gusto ng regalo yung iba gusto naman ng effort. Pero kung ikaw yung lalaki na mahilig mag bigay ng regalo, well kailangan mo ding magbago paminsan minsan. Para sakin hindi effort yung pagbibigay ng regalo like chocolates, flowers or whatsoever. Nasan yung effort dun? Nasa pagbili mo ng bagay na yun? No brad! mali yun. Mas maganda siguro kung bigyan mo sila nung bagay na alam nilang pinaghirapan mo. Mas malaki yung chance na sagutin ka nila sa ganung paraan, pero kung sasagutin ka man nila ituloy tuloy mo naman yung pagiging maeffort mo hindi yung hanggang panliligaw ka lang.
Meron din namang ibang babae na iparamdam mo lang sa kanila na mahal mo talaga sila okay na sila sa ganun.
4.Effort! Effort! Effort!
Halos kapareho lang to ng number 3, pero dito lalabas yung mga ano nga yung kailangan mong gawin. Well, kung nabasa mo yung unang blog ko nandun yung makalumang paraan. pwede mong gamitin yun para maipakita yung effort mo. Isa sa mga pinakamagandang gawin ay ang haranahin siya. Oo, makaluma na kung makaluma pero malamang sa alamang kikiligin yan. Haranahin mo siya sa kantang paborito niya at para maipakita yung effort mo gawan mo din siya ng kanta. Mahirap siya diba? Pero brad! worth it yan! makikita pa ng pamilya niya yung ginawa mong effort sa kanya.
5. Ligawan Mo Din Magulang Niya.
Nasa usapang magulang na din naman tayo well eto na yung number 5. Wag kayong matakot sa magulang nila. Okay lang sa una pero wag yung palagi. Sa umpisa lang yan magiging matanong at mabusisi pero kapag naipakita mo na yung sarili mo sa kanila at alam naman nila na karapat dapat ka naman para sa prinsesa nila magiging okay din kayo niyan. Para sa mga first timer gagana yung pagdadala ng mga pagkain na paborito ng magulang nila tapos usap usap lang kayo ganun lang. Basta ang Golden Rule ay WAG KANG KAKABAHAN!
6. Show Your True Personality.
Kung kalog ka ipakita mo sa kanya yun. Kung may pagka perv ka ipakita mo yun. Ipakita mo yung totoong side mo. Yung side na kaya mong pangatawanan hanggang sa dulo. Hindi tulad nung iba na nagbabago pa para lang magustuhan sila nung nililigawan nila. For me that is cheating, and cheaters never win. Sa bandang dulo kapag nakita nung babae yung ugali mo may possibility na magkahiwalay kayo.
7.Treasure Her.
Isa to sa mga gusto ng mga babae kapag nililigawan sila. yung ipapakita mo sa kanila na sobrang halaga niya para sayo. Pano mo maipapakita yun? First, wag mo siyang hahayaang umuwi mag-isa. Second, Hold her hands surprisingly. Yung tipong kayong dalawa lang tapos bigla mong hahawakang yung kamay niya. Kikiligin yan. Third, do girly things with her. Fourth, no kiss! Kahit saan pa yan. Wag mo muna siyang ikikiss. Hayaan mo na siya yung mauna, o kaya ikiss mo siya kapag kayo na. Para sweet naman yung first kiss niyo.
8. Always Make Her Smile
Last but not the least. Sa mga nanliligaw diyan na nagbabasa nito ngayon, palagi niyong gagawin to. Sa kahit anong paraan dapat mapasaya mo sila. Kahit sa walang kwenta mong jokes, sa pagkanta ng wala sa tono, kahit nga sa pagtitig lang sa mata nila eh. Basta mga brad gawin niyo lahat mapasaya lang sila okay? Napakaimportante nito.
Sa mga nanliligaw diyan Good luck mga brad! nawa'y nakatulong yung ilan kong tips sainyo. At para naman sa mga hanggang ngayon ay Torpe parin. 2016 na! magpakalalaki na kayo okay? Sige ka baka maunahan ka pa ng iba d'yan. Ikaw din.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento