Ako mismo napagdaanan na yung gantong sitwasyon, so para sa mga makakaranas palang ng gantong klaseng relationship, ano nga ba yung dapat niyong gawin para makasurvive kayo sa ganto.
First thing na kailangan niyo is yung TRUST sa isa't isa. Yan yung parang magiging foundation ng relationship niyo. Kapag yang trust na yan wala sainyo saglitan lang yang magiging relasyon niyo. Okay lang naman maging paranoid minsa na iisipin mo na may kasamang ibang lalaki/babae yung syota mo pero wag naman palagi diba? Lalo na kayong mga babae.
Second is COMMUNICATION. Kahit anong klase pa yan mapatext, chat, tawag, Skype, Facetime etc. basta dapat meron at meron kayong communication sa isa't isa. Dyan niyo kasi mararamdaman na kahit na ilang kilometro yung layo niyo sa pakiramdam niyo katabi niyo padin siya. Kahit na gano pa kayo ka busy sa ginagawa niyo always give time to text or chat your gf/bf.
Third is FAITHFULNESS. Kahit anong ganda pa ng communication mo kung nantataksil ka naman sa syota mo wala din. Dapat kahit anong tukso pa yung lumapit sayo o kung sino pang demonyo yan, matuto ka dapat na lumayo. Resist them. Isipin mo na lang yung magiging reaction ng partner mo kapag nalaman niya na hindi ka faithful sa kanya. Masisira yung Trust niya sayo and bibigay yung relationship niyo sa isang iglap lang.
Fourth is HONESTY. Ikwento mo sa kanya yung nangyari sayo araw araw. Kahit yung mga walang kwentang pinag gagawa mo at kung may nagawa ka mang kabulastugan man up and sabihin mo sa kanya. Mas maganda yung sayo mismo manggaling kaysa malaman niya pa sa iba. And kapag nasabi mo na yung totoo ipaliwanag mo kung bakit. Kung masama man talaga yung nagawa mo hayaan mo lang muna siya na magalit and kapag nagcool down na saka ka magpaliwanag in a very nice way. Basta be honest all the time okay?
Last is LOVE. Love. Imagine kung wala kayo nito. Kahit anong tiwala mo sa partner mo o kahit anong ganda ng komunikasyon niyo, o kahit anong faithful at tapat sa kanya kapag wala na kayo niyan wala na. Distance lang naman yung naghihiwalay sainyo eh. Pero yung puso niyo connected parin yan. LOVE>DISTANCE yan yung formula sa love and distance. Kahit na anong layo niyo sa isa't isa basta mahal mo siya at handa kang gawin lahat para sa kanya magagawa niyo yan at makakasurvive din kayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento