Biyernes, Mayo 20, 2016

Torpetitis

Hindi ka ba makaamin ng nararamdaman mo sa babaeng mahal mo?

O ikaw ba ay nanginginig sa tuwing makakaharap mo siya? Pinagpapawisan ka ba ng malamig sa tuwing kausap siya?

Kung oo ang sagot mo sa lahat ng yan pwes, kapatid ikaw ay may tinatawag na Torpetitis.

Pagiging torpe o pagkahiya sa taong mahal mo. Normal lang naman sa isang lalaki ang dumaan sa gantong bagay pero bakit ka nga ba natotorpe?

Madaming dahilan yan eh. Pwedeng takot kang pagtawanan kapag sinabi mo na yung nararamdaman mo, o kaya naman pwede ding takot kang mabasted agad agad o di kaya’y ma friendzone. Pwede din naman na duwag ka lang talaga at hindi mo kayang sabihin yung nararamdaman mo sa kanya. Yung tipong palapit ka pa lang sa kanya eh pinepeste na agad ng daga yung dibdib mo. Brad base na din sa karanasan ko, kailangan mong maging lalaki at umamin dun sa babae na yun. Walang magagawa yung pagka torpe mo. Kung gusto mo talaga siya, edi umamin ka at ipakita mo sa kanya yun.

Pero kung hindi mo padin kaya baka may maitulong sayo yung mga sasabihin ko.

Una, kung ikaw yung klase ng torpe na hindi makalapit sa kanya o hindi makatingin sa kanya ng deretso, kailangan mo ng baguhin yan. Dahan dahanin mo lang muna. Wag mong madaliin. Simulan mo sa kunting paglapit sa kanya yung tipong madadali mo siya kunwari, tapos samahan mo na din ng titig sa mata niya pero wag yung nakakatakot na titig ha. Be cool! Kapag nagawa mo na yung mga ganyan mapapansin mo na lang yung dating mga nakaw na tingin lang ay magiging mahabang titigan na sa mata. Ang dating mga pasimpleng pagbunggo lang sa kanya ay magiging mga haplos na. Ang sarap sa pakiramdam kapag medyo hindi ka na nahihiya diba? Well hindi pa yan yun.

Pangalawa, okay ka na sa physical presence niya. Hindi ka na nahihiyang kasama siya pero nahihiya ka parin naman na kausapin siya ng matagal. Yung tipong kapag kausap mo siya e bigla na lang nagka problema yung speech center ng utak mo. Nauutal ka, minsan nga dumadating pa sa punto na parang hindi na connected yung mga salitang pinagsasabi mo. Well, katulad nung una kailangan mo din tong dahan dahanin. Pero simulan mo to sa pag uusap ng hindi kaya nagkikita. Ichat mo siya or itext mo siya, pero dapat ikaw ang mauna ha kapag nagawa mo na yan magkakaroon ka na ng kaunting lakas ng loob para makausap siya sa personal. After mo siyang kausapin sa text or chat its time make your move. Mag hi ka sa kanya with matching smile sa mukha. Tapos mag open ka ng topic. Mas maganda kung alamin mo din yung bagay na gusto niya ang yun yung pagusapan niyo. And there you are. Unti unti ka gumagaling sa Torpetitis.

Pangatlo, ngayon na medyo close na kayo dahil nakakapag usap na kayo o nakakasama mo na siya ng hindi ka naiilang, malamang takot ka naman na ma friendzone ka lang. Pero kapatid hindi ko hahayaan na may isa pa sa mga kapatid natin ang malugmok ulit sa friendzone na yan. So bago ka umamin sa kanya, pagpraktisan mo muna siya at tignan mo yung magiging reaksyon niya habang ginagawa mo yung ng hindi mo niya nalalaman.
Ilan lang to sa mga pwede mong gawin para makawala ka sa friendzone.
(a)    The Joke Lang- gawin mo to sa gitna ng seryosong usapan. Yung tipong hindi kayo natawa sa pinag uusapan niya. Kapag nakahanap ka na ng magandang time bigla mong sabihin sa kanya na mahal mo siya. And kapag sinabi niya hanggang friends lang kayo saka ka biglang tumawa ng malakas, tapos sabihin mo na ginawa mo lang yun para patawanin siya.
(b)   The Play- pwede mo tong gawin ng may kasama kang back up na kaibigan. Mas maganda kung babae yung back up mo. So gawin mo to ng biglaan, yung makikita mo lang siya na naglalakad tapos bigla mo siyang hilahin sabay hawak sa balikat niya at sabihin mo na mahal mo siya at hindi mo kaya na mawala siya sa mundo mo. Kapag sumagot siya na hanggang kaibigan lang kayo, yun na yung cue ng back up mo para lumabas at sabihin na yung ganung klaseng emosyon yung kailangan niyo sa play niyo.
(c)    The Pakisabi kay..- gawin mo to kapag kayo lang dalawa. Tapos kailangan kausapin mo na din yung kaibigan niya na gagamitin mo yung pangalan niya para dito. Sabihin mo to kapag tahimik kayo pareho. Biglain mo siya. Sabihin mo na agad na mahal mo siya at hindi mo na kaya yung sitwasyon niyo bilang magkaibigan lang. Sabihin mo na gusto mo ng itaas yung level ng pagiging magkaibigan niyo. Siguro habang sinasabi mo yun ay pinipigilan ka na niya at sasabihin niya na hindi pwede at hanggang mag kaibigan lang kayo kapag ganun yung nangyari isunod mo na agad yung linya na pakisabi naman yan kay *blank* kasi nahihiya kang umamin sa kanya. Pero kung hindi ka naman niya hinarang sa pagsasalita, mag pause ka muna dun sa “gusto ko ng itaas yung level ng pagkakaibigan natin” part. Hayaan mo muna siyang magsalita. Kapag sinabi niya na yung hanggang kaibigan lang saka mo ipasok yung susunod na linya.

Makakatulong yang tatlo na yan para malaman mo yung sagot niya in an instant. Kung sinabi man niya yung magic word na “hanggang kaibigan lang” atleast sinubukan mo at nakabangon ka agad sa friendzone. Pero tignan mo din yung reaksyon niya. Pakiramdaman mo siya. Kung may nararamdaman din siya sayo deep inside masasaktan yan. And kapag nasaktan yan yun na yung chance mo para tuluyan ka ng gumaling sa Torpetitis. This time wala ng pagpapapractice na magaganap. Live na to. Eto na yung moment of truth. Eto na yung oras na ipapakita mo na yung pagkalalaki mo sa kanya at ipagtatapat mo na yung nararamdaman mo. Mas maganda kung may element of surprise na magaganap. Yung cheesy pero sweet. For sure wala ng rason pa yan para tanggihan ka. At kapag nagawa mo na yun, ikaw ay gumaling na sa Torpetitis.


Mga brad. Wala naman talagang gamot sa pagiging torpe. Kailangan lang natin ng lakas ng loob para umamin. Yung lang. At wag ka ng magpaka torpe pa. Dadating yung araw na manghihinayang ka at sasabihin mo sa sarili mo na dapat pala nilakasan mo na yung loob mo nung una pa lang para hindi siya naagaw sayo ng iba.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento