Martes, Mayo 17, 2016

Brave Love

Bisexuals, gays, lesbians o kung ano  pa man yung  tawag niyo sa kanila. Sila yung mga taong nagkakagusto sa mga kapareho nila ng kasarian. Madami satin ang nandidiri sa gantong klase ng pagmamahalan, madalas pa nga silang pinagtatawanan, pero mga brad tao din sila at katulad mo karapatan din nilang magmahal at mahalin katulad mo o katulad natin. Yung iba madalas iniisip na “Lust” lang yung sanhi ng gantong relasyon pero hindi eh, meron yang pagmamahal hindi lang yan basta tawag ng laman.

Para sa mga may kapartner na kapareho nila at nahihiya pa, pwes ngayon pa lang lumabas kayo at ipakita niyo sa mundo yung pagmamahalan na meron kayo. Hawakan niyo ang kamay ng isa’t isa at sabay niyong harapin ang mga sinasabi nila sainyo. Hanggang dyan lang naman sila eh. Hanggang sa salita lang sila may maibabato sainyo. Mga salitang parang wala naman katuturan din minsan. Masanay na kayo sa mundong ‘to na halos lahat ng tao e huhusgahan ka. Kahit nga hindi mo kakilala, basta makita nila yung mga ginagawa mo huhusgahan ka na nila. Basta tumayo kayo dyan at ipakita niyo sa mundo na mali sila. Lahat tayo ay pantay pantay sa pagmamahal. Lahat tayo, kahit ano pa man ang kasarian natin, ay may karapatang magmahal at mahalin.

Para naman sa mga kaya ng tiisin ang mga paninira sa kanila, SALUDO ako sainyo. Nalagpasan niyo na ang isa sa mga pinakamahirap ng parte ng relasyon niyo. Deserve niyo ang relasyon niyong yan. Ingatan niyo ang isa’t isa.

Wala naming kasarian pagdating sa pagmamahal eh. Kapag ang utak nag release na ng hormones at nagsimula ng bumilis ang tibok ng puso mo, yun na yun! Wala ka ng pakiaalam kung pareho kayong babae o lalaki ang mahalaga nagmamahalan kayo ng totoo. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento