Sa henerasyon ngayon, swerte mo na kung umabot kayo sa
anniversary ng syota mo. At kung aabot nga kayo dun wag mo na siyang pakawalan
pa. Nasayo na yung pinakamagandang kwintas, wag mo ng hayaang makuha pa ng iba.
Madami ang hirap sa long term relationship kasi yung iba
mabilis mag sawa, “Pagod” na daw sila, o kaya namimiss nila yung pagiging
single. Well, totoo naman yung sa pagiging single, pero mas masarap siguro kung
merong isang tao na pwede mong kausapin kapag may problema ka, pwede mong yakapin
kapag nalulungkot ka, pwede mong halikan kapag pakiramdam mo bibigay ka na at
kailangan mo ng magbibigay sayo ng lakas.
So, paano nga ba nagtatagal ang ibang relasyon?
May pitong bagay na kailangan
dyan.
Trust- eto yung bagay na hinding hinding hinding hinding
hinding hinding hinding hinding hinding pwedeng mawala sa isang relasyon.
Parang pundasyon sa bahay ang trust eh. Sa pundasyon na yan kakapit ang ilan
pang parte ng bahay mo. So kapag mahina
yung pundasyon niyo madaling magigiba ng bagyo o lindol yung pundasyon na yan,
at kasabay niyang guguho ang iba pang bagay. Kaya dapat kung gusto niyo
talagang tumagal kayo tibayan niyo ang pundasyon niyo, yung tipong kahit ilang
lindol o bagyo pa yung dumating hindi nila kayo matitibag.
Faithfulness- Kung mahal mo siya wag ka ng maghanap ng iba.
Kung may pagkukulang man siya sayo kausapin mo. Hindi yun rason para maghanap
ka ng ibang magpupuno ng mga pagkukulang niya. At kung yung tukso man mismo
yung lumapit sayo, matuto ka ng lumayo at iwasan yun. Hindi mo pwedeng sabihin
na “natukso lang ako” ikaw yung may control sa utak mo at siyempre dahil utak
mo yan, ikaw din lang ang makakagawa ng desisyon niyan. Kung mahal moa ng isang
tao then maging faithful ka sa kanya.
Honesty- “Honesty is the Best Policy” yan yung madalas
nating makita sa mga classroom nung elementary at high school tayo. Siguro
naman sa tinagal tagal mo ng nakakakita ng ganyan eh naging tapat ka. Isa din
kasi yan sa mga kailangan sa long term relationship. Magsabi ka lang palagi ng
totoo. Wag mo ng doktorin yung mga kwento, dahil kapag nalaman niya pa sa iba
yan mas malaking gulo yan. Kung may nagawa kang kasalanan ipag tapat mo.
Ikwento mo yung saktong nangyari. Yung sakto ha. Walang labis, walang kulang.
Surprises- malaki din yung naibibigay ng mga surprises sa
relationships. Kasi dito mo maipaparating sa kanya na kahit matagal na kayo
hinding hindi ka parin nagsasawang mahalin siya ng buong puso. Makita lang ng
taong mahal mo yung effort mo sa surprises na yun panigurado madadagdagan ng
ilang percent yung pagmamahal niya sayo.
Meet my Parents- Oo brad. Maging proud ka at ipakilala mo
siya sa magulang mo. Sa ganung paraan makikita niya kung gaano ba talaga siya
kahalaga sayo. Iparamdam mo din na belong siya dun sa pamilya niyo at pwede
siyang isang araw maging miyembro ng
pamilya na yun.
Pagsuko ng Bataan- hindi naman talaga siya kailangan pero
may ilang nagsasabi na kapag naisuko niya na ang Bataan may tendency na mas magtatagal kayo. Pero girls, wag niyo
itong isuko basta basta at mas maganda kung isusuko niyo ito sa mismong araw ng
kasal niyo. Isa yan sa pinakamagandang regalong matatanggap ng kapartner mo.
And boys, kung sakali mang isinuko niya ang Bataan ng maaga, ingatan mo na
siya. Binigay na niya yung buong pagkatao niya sayo, maghahanap ka pa ba ng
iba? Ang kapal naman siguro ng mukha mo kapag ganun.
Fights- Yes! Tama kayo. Fights. Nagpapatibay din sa relasyon
yung mga pagaaway niyo. Parang ganto yan. Sa kick boxing may training sila na
hinahampas yung shin bone nila o yung buto sa may binti nila. Pwede mong kapain
ngayon yan. Ginagawa nila yung paghampas na yun para magkaroon ng micro
fractures sa buto na yun at kapag yung buto na yun ay naging okay na, magiging
mas matibay na siya. Ganun din yung paga-away. Yung mga micro fractures na yun,
yun yung mga lamat galing sa mga pagaaway niyo at kapag yun nalagpasan niyo mas
kakayanin niyo ng harapin pa yung mga mas mabibigat pa na problema. Basta
kailangan niyo lang pagkatiwalaan ang isa’t isa at magkasama niyong harapin ang
mga hamon at problema sa relasyon niyo.
Para sa lahat ng mga nakaabot ng anniversary dyan, ako ay
sumasaludo sa inyo. At tandaan niyo na KAYA NIYO YAN BASTA WALANG IWANAN. HAWAKAN NIYO ANG KAMAY NG ISA'T ISA HANGGANG SA DULO.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento