M.U. or Mutual Understanding or Malanding Ugnayan para sakin.
Etoyung parang kayo, pero hindi naman kayo, pero gusto niyong maging kayo, pero hindi
pa kayo handang maging kayo kaya ayun nagpapanggap kayo, na kayo.
Magulo diba?
Ganyan kasi talaga yan. Medyo pasok din siya sa RelationShit kasi parang naglolokohan
lang kayo minsan dyan eh.
Gusto niyo ba talagang maging kayo o gusto niyo lang na nilalandi ang isa't isa?
Para sa mga nasa gantong klaseng relasyon ngayon. May mga ilang
advice ako sainyo.
Una, malaki ang chance niyo na maging kayo talaga. Sobrang laki
actually. Kaso ganun din kalaki yung chance na maghiwalay din kayo agad. Trust
me. Kasi kung dun pa lang sa pagiging mag M.U. niyo eh todo na yung pag-arte
niyo na kayo, mawawalan na ng excitement yung relationship niyo. Baka mas
gustuhin niyo pa na maging mag M.U. na lang ulit kayo.
Pangalawa, wag mong masyadong iattach yung sarili mo
sakanya. Mag M.U. pa lang kayo. Wala pang serious na relationship dyan. Ngayon
kung makita mo man siya na may kasamang iba wala kang karapatang magselos at
ganun din siya sayo. Saka kapag masyado kayong naka attach sa isa’t isa mabilis
kayong magkakasawaan niyan. Kayo din.
Pangatlo, wag niyo munang gawin yung ginagawa ng mga couples
na. Gawin niyo yun kapag kayo na. Para naman may maramdaman pa kayo na kilig kahit
papano pag naging kayo na.
Pang-apat at huli, para sa nga boys. Hindi porke’t mag M.U.
na kayo e hindi mo na siya liligawan. Ligawan mo pa din siyas yempre kung gusto
mong makuha yung oo niya. Mag M.U. pa lang kayo. Wala pa talagang kayo!
Guys tandaan niyo, ang pagiging mag M.U. ay stage lang kung
saan titignan niyo kung magwowork out ba yung pagiging kayo. May connection na
kayo pero hindi yan kasing tibay ng connection na kapag naging kayo na. Saka
dahil nga parang tinitignanniyo pa kung magwowork out yung kayo, madali din
para sainyo na iwan angisa’tisa. Kung alam niyo naman na wala talaga eh bakit niyo
pa itutuloy? Tester lang muna yung relasyon niyo, hindi
pa yan yung totoo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento