Alam niyo ba yung pakiramdam nung mahulog ka sa maling tao?
Kung alam niyo na, saludo ako sainyo kasi nakayanan niyo yung sakit. At kung
hindi pa, susubukan kong ipaliwanag dito yung pakiramdam.
Isipin mo nasa tuktok ka ng isang mataas na puno. Nakakapit
sa isang manipis na sanga. Yung sanga na yun ay yung sarili mo na nagsasabi na
“Hindi ka niya sasaluhin. Masasaktan ka lang.” Pero dahil nga manipis lang yung
sanga mapuputol din agad yun at mahuhulog ka.
Ngayon na naputol na yung sangang yun, ikaw ngayon ay
kasalukuyang nahuhulog. Mahuhulog ka ng nakaharap sa langit. Hindi mo nakikita
yung nasa baba kasi umaasa ka na sasaluhin ka niya. At dahil nga nahuhulog ka,
wala ka ng magagawa pa para mapigilan pa yun. Wala kang makapitan na sanga o
kahit ano pa. Ganun din yun kapag nahulog ka na sa isang tao. Hindi mo na alam
kung paano mo pipigilan yung nararamdaman mo. Basta ang alam mo lang
derederetso yung paghulog ng loob mo para sa kanya.
Ngayon magpapaisip ka ulit kung sasaluhin ka nga ba niya.
Gugustuhin mo munang tumigil pero gaya nga ng sabi ko, hindi mo mapipigilan
yung paghulog mo kaya ang gagawin mo ay titingin ka sa baba. Iikot ka at
titiginan mo kung nandun ba siya para saluhin ka, pero wala siya. At sa pag
ikot mo din na yun dun ka na lalagapak sa lupa. Oo wala siya dun para saluhin
ka. Sa buong pagkahulog mo wala siya.
Pwede kang umiyak sa pagkahulog mo, pero walang makakarinig
sayo. Tanging sarili mo lang ang tutulong sayo para makabangon ka. Masakit,
pero ganun talaga.Kailangan mong tiisin yan. At kapag nakatayo ka na ulit saka
lang dadating yung mga taong importante sayo. Yung mga kaibigan mo. Sila yung
tutulong sayo para makabangon ka na ng todo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento