Sabi nila kapag nagmahal ka daw ng may rason, hindi daw
“True Love” yun. Ibig sabihin daw nun nagustuhan mo lang siya dun sa ilang
bagay na meron siya. Marami naman satin yung nagkagusto sa isang tao dahil sa
maganda/pogi siya, o kaya ay maganda yung hubog ng katawan niya, pero paano
kung mawala yun? Mamahalin mo pa din ba siya o hindi na?
Okay, Love or Lust.
Paano mo nga ba malalaman kung Love yung nararamdaman mo o
Lust lang.
Madali lang naman yan e, tanungin mo yung sarili mo kung
bakit mo ba siya mahal. At kapag nakapag isip ka na ng reasons kung bakit,
isulat mo yun sa papel. Lahat ng maisip mo isulat mo.
Okay lang naman na may
rason kung bakit mo siya nagustuhan. Para sakin normal yun. Ang hindi normal is
yung walang rason kung bakit. Seriously? Nagkagusto ka sa isang tao tapos hindi
mo alam kung bakit? Ang laking kabaliwan nun.
Okay, ngayon na nakapag sulat ka na ng mga rason, isipin mo,
paano kung mawala sa kanya yung mga nasa listahan mo? (Example: paano kung
pumangit siya, paano kung naging pangit yung ugali niya,paano kung naging
payatot siya) kaya mo pa ba siyang mahalin? Yung pagmamahal na katulad nung
pagmamahal na binibigay mo sa kanya ngayon.
Okay, ngayon try to imagine isa isa yung nandun sa listahan
mo. Maging totoo ka sa sarili mo. Tapos ganto gawin mo. Lagyan mo ng Check (/)
yung mga bagay na kaya mo siyang mahalin kahit mawala pa sakanya yun, at ekis
(x) dun sa mga bagay na hindi. Tapos tignan mo kung ano yung mas marami.
Kapag mas marami yung may check ibig sabihin mahal mo talaga
siya kahit anong mangyari. Wala kang pakialam sa kung anong meron siya ngayon
at sa mga susunod pa kasi mahal mo talaga siya.
Pero kung mas madami yung ekis,
baka lust lang talaga yung nararamdaman mo sa kanya at baka kakaunti lang yung
love.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento