Yung mga kaibigan natin nandyan palagi yan. Nandyan sila
kapag masaya ka, nandyan sila kapag malungot ka, at higit sa lahat nandyan sila
kapag inlababo ka.
Ano nga ba ang silbi ng mga kaibigan mo kapag inlove ka?
Una, sila yung taong pagsasabihan mo palagi problema mo sa
partner mo o kaya sa manliligaw mo.
Hindi sila magsasawang pakinggan yung
walang katapusang pagdradrama mo. At siyempre after mong magdrama,
makakatanggap ka naman ng sermon sa kanila at panigurado yung sermon nila na
yun, hindi mo susundin yun.
Pangalawa, yung mga kaibigan mo yung unang kikilatis sa
taong gusto mo. Oo nagiging detective din minsan yung mga kaibigan mo. Inaalam
nila yung bawat baho at bango ng gusto mo. Alam mo kung bakit nila ginagawa
yun? Para yun hindi ka masaktan. Ganyan kabait ang mga kaibigan mo.
Pangatlo, sila yung tutulong sayo sa panliligaw mo. Lalo na
sa mga lalaking hindi naman ganun ka runong pagdating sa panliligaw. Sila yung
tutulong sayo pagdating sa mga props na gagamitin mo, sa mga sulat na ibibigay
mo, sa regalong ibibigay mo, at sa mga salitang sasabihin mo para sagutin ka
nung babaeng gusto mo.
Pang apat at huli, sila yung sasampal sayo para magising ka
sa katotohanan. Lalo na kapag nasa ilalim ka ng sumpa ng pag-ibig, in short
kapag natatanga ka na sa pag-ibig. Sisigawan ka nila, papagalitan ka nila,
aawayin ka nila, pero lahat ng yun ay para sa ikabubuti mo. Kaya kung gagawin
man nila yun sayo, magising ka naman sana. Sundin mo yung sinasabi nila, yung
mga kaibigan mo ang gamot sa sumpa at nasasayo na yun kung gagamitin mo yung
gamot na yun.
Malaking tulong sayo ang mga kaibigan mo, lalo na kapag
inlove ka. Wag na wag mong ipagpapalit ang mga kaibigan mo para lang sa taong
gusto mo, kasi madaming tao yung pwede mong paglaanan ng puso mo, pero kaunti
lang yung taong maglalaan ng oras at pagod nila para sayo, at yun ay ang mga
kaibigan mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento