Miyerkules, Hunyo 22, 2016

Breaking Up in a Proper Way

Break ups yung  isa sa dahilan kung bakit ang daming bitter na tao ngayon. Lalo na kapag hindi maayos yung pakikipag break sa kanila. Dun na papasok yung puro hugot tapos galit na siya sa mga couples, minsan sisigaw pa yan ng “Walang Poreber!” o kaya “Lolokohin ka lang niyan!”

Pero alam niyo guys, maiiwasan naman yung ganyan kung maayos yung break up niyo eh. May chance parin na maging bitter siya pero hindi na siya magiging katulad ng iba.

So paano nga ba makipag break ng tama.

Una, makipag break ka sa personal, (pwera na lang kung LDR kayo). Wag na wag na wag na wag kayong makikipag break lang sa text, chat or tawag. Kasi diyan minsan napasok yung , magiisip na ng kung ano ano yung partner mo. Iisipin niya na baka may iba ka or something. Kausapin mo siya sa personal. Iexplain mo yung side mo at hayaan mo din siyang makapagsalita. Kung magagalit man siya, edi hayaan mo.
Yung iba sinasabi kaya ayaw daw nila makipag break sa personal kasi hindi nila kayang makitang umiiyak yung tao. Naaawa daw sila. Ganun naman kasi talaga yun eh. Kailangan mo lang tiisin yung sakit na yun.

Pangalawa, magpakatotoo ka. Sabihin mo yung totoong reason kung bakit ka makikipag break sa kanya. Wag ka ng gumawa pa ng ibang reason. Kung may nagustuhan ka man na iba, sabihin mo sa kanya. Oo, masasaktan siya sa katotohanan, pero mas masakit yung pakiramdam kapag nalaman na niya yung katotohanan. Ang ganda nga nung ginawa mo ng reason pero kapag nalaman niya na yung totoo, doble yung sakit na mararamdaman niya.

Pangatlo, walang perfect timing sa pakikipag break. Kung buo na ang pasya mo at ayaw mo na talaga edi sabihin mo na agad sa kanya. Sa paghahanap ng timing ka na yan uurong ng uurong eh. Hanggang sa wala kang mahanap na tamang timing.

Pang-apat, kung nagbreak man kayo sa text or sa chat, kausapin mo ulit siya. Ayusin niyo yung closure niyo. Mag-usap kayo ng maayos.

Pang-lima at huli, kapag nakapag usap na kayo ng maayos at naintindihan niyo na yung isa’t isa, magyakapan kayo. Yakapin niyo yung isa’t isa, hindi para magbalikan kayo, pero para magkaayos kayo bilang magkaibigan. Tapos mag thank you kayo sa isa’t isa. Pasalamatan mo siya kasi naging parter siya ng buhay, na may mga naituro siyang bagay sayo. Ganun.


Tapusin niyo yung relasyon niyo ng puro pinapasalamatan niyo yung isa’t isa, hindi yung nagsusumbatan kayo. Ganyan talaga eh. Kung maging bitter man siya after nun, hayaan mo lang. Pero dahil maganda naman yung paghihiwalay niyo malamang hindi na magiging bitter yan. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento