Martes, Mayo 9, 2017

The One

Last night, while I’m talking to my friend Robyn, she did ask me a thing about love.

What if nakita mo na siya? Yung right girl for you.

May biglang pumasok sa isip ko, hindi yung sagot sa tanong na yun kundi isang panibagong tanong.
May right girl ba talaga para satin? Or may right person ba talaga na dadating sa buhay natin?

So ano ba talaga?

For me ganto yun. Walang isang tao na para lang talaga satin. Lahat tayo para saatin. Wala tayong tao na dapat antayin or hanapin tapos sasabihin natin na “Siya na yung nakatadhana sakin.” No! walang ganun mga beshy. Lahat ay para sayo, ako, siya, yun nakatabi mo sa jeep kaninag umaga, yung tao na nakasabay mong bumili ng kung ano man sa tindahan, yung babae na nagbebenta ng tinapay sa bakery. Lahat sila para sayo. Kahit yung mga taong makikilala mo pa lang sa buhay mo, or yung mga tao na malayo sayo. Lahat yun para sayo.

So pano nagkakaroon ng happy long-lasting love life?

1. TRUST
2. LOVE
3. CARE
4. GOAL
5. ACCEPTANCE

Yan yung sagot. Kasi kahit isipin mo na nakatadhana kayong dalawa kung wala naman kayong trust, love, care, goal, acceptance sa isa’t isa sa tingin mo ba magtatagal kayo or aabot kayo dun sa tinatawag nila na “FOREVER.”

Instead of saying “Nakita ko na yung nakatadhana sakin” say “I love him/her and he/she loves me too, I want to keep him/her.”


Wag mong hanapin yung nakatadhana sayo kasi wala naman talaga. Maghanap ka nung taong mahal mo at mahal ka, yung pinagkakatiwalaan mo at ganun din siya, yung tao na aalagaan mo at aalagaan ka din niya, yung tao na gusto mong makasama hanggang sa pagtanda mo, yung tao na kaya kang tanggapin ng buo. Ganun yung hanapin mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento