Sabado, Hunyo 11, 2016

Campus Couples

Dahil malapit nanaman ang pasukan. Actually yung iba nga nag start na yung pasukan nung Monday eh.

Okay, moving on.

Gaya nga ng sabi ko, since malapit na ang pasukan makikita nanaman natin ang mga mukha ng mga kaibigan natin, yung mga prof na magpapahirap satin sa buong semester at makikita nanaman natin yung mga couples sa school natin.

Oo makikita mo nanaman silang maglandian sa kung saan saan.

Pero ano anong klase nga ba ng couples yung makikita natin sa school natin.

(College Edition)

The Tuko- sila yung couples na hindi mo mapag hiwalay. Madalas mag kaklase yung gantong couples. Yung kahit saan makikita mo silang magkasama na para bang hindi sila nagsasawa sa isa’t isa. Yung iba nga kahit magpunta lang sa CR nagpapasama pa sila sa partner nila eh. Pero hanggang dun lang sa labas ha. Normal naman na madalas nating kasama yung partner natin, pero kung sa lahat naman ng oras, minuto, segundo e kasama mo yung partner mo, aba abnormal na yan. Maglayo din kayo kahit minsan.

The PDA- sila yung couples na naglalandian kahit saan. Sa Hallway, Canteen, Library, Classroom, kahit saan. Wala silang pakialam sa mga tao na nasa paligid nila, minsan nga kahit may prof sa harapan nila naglalandian sila eh. Ewan ko ba kung ano yung trip nila kung bakit sila ganyan, pero hayaan na lang natin sila. Pwede mo silang sawayin pero panigurado ikaw ang lalabas na masama niyan kaya shut up na lang tayo.

The Couple of the Year- sila yung couple na kinaiingitan ng lahat ng tao sa, okay hindi lahat, pero ng madaming tao sa school nila. Una, kasi good looking sila. Yung tipong artistahin yung itsura at pormahan nila. Pangalawa, kasi cute yung mga picture na pinopost nila sa Social Media. Yung tipong “Relationship Goals” ba.Yung ganun. Pangatlo, kasi ang sweet nila kapag nasa school sila. Yung kahit na ang PDA na minsan ang tingin parin natin e ang sweet sweet nila. Pang-apat, kasi famous sila kaya napapansin sila ng tao. Ganun naman yun e.

The “Magkaibang Mundo”- sila yung couples na magkaiba ng course. At dahil nga magkaiba sila ng course, ibig sabihin nun magkaiba din sila ng schedule. Tapos madalas busy pa sila. Kaya ayun, pakiramdam nila sila yung nandun sa kanta ni Jireh Lim. Yung gantong couples, nagkakausap lang sila kapag lunch break, minsan busy pa yung isa. Daig pa nila yung mga nasa LDR. Well, ganyan talaga.

The Brave- sila yung mga Lesbian and Gay couples. Dito ako sa mga couples na to bilib na bilib. Kasi proud sila sa kung anong meron sila at sa kung ano ba talaga sila. And ang tapang nila para harapin yung mga panghuhusga ng ibang mga tao sa kanila. Saludo po ako sa tapang niyo.

The Famewhore- sila yung couples na gustong gayahin yung couple of the year. Ginagaya nila yung mga ginagawa nila, nagpopost din sila ng katulad nung ginagawa nung isa. Ganun. In other term, papansin sila. Sila yung kapag nag PDA sa school e medyo mandidiri ka. Ganyan talaga.

Ilan lang yan sa mga couples na makikita mo sa school niyo. Okay lang naman na pansinin natin sila pero mas maganda kung hayaan na lang natin sila. Kanya kanya lang naman yan eh. At panigurado baka kapag may partner ka na e maging isa ka sa mga yan. o hindi naman kaya, isa na kayo diyan ngayon nung partner mo.


Okay lang naman na magkaroon ng relationship habang nagaaral kayo basta tandaan niyo dapat inuuna niyo parin yung pagaaral niyo. Okay?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento