Miyerkules, Hunyo 8, 2016

Oo, Mahal Din Kita!

“OO” yan yung isang salita na hinihintay na marinig ng mga lalaki sa liniligawan nila. Kapag narinig na nila yan dun mo makikita yung kakaibang saya sa mukha nila. Yung saya na dun mo lang unang makikita.

Mga girls’ para sainyo to.

Kalian mo ba dapat sabihin yung “OO” sa manliligaw mo?

Una, dapat lagpas ng 6 months yung panliligaw niya sayo. Ay hindi! gawin mo ng 1 year. Kasi kung mahal ka talaga niyan handa yan na magantay ng kahit gaano pa katagal makuha lang yung matamis mong oo. Wag mo siyang sasagutin kung saglit ka pa lang niyang nililigawan. Magpabebe ka kahit kunti.

Pangalawa, dapat sigurado ka na rin sa pakiramdam mo sa kanya. Wag yung porket na sweetan ka lang sa panliligaw niya e sasagutin mo na agad siya. Dapat 101% sure ka sa pakiramdam mo. Kung mahal mo na ba talaga siya o baka naman gusto mo lang siya.

Pangatlo, dapat pasado din siya sa magulang mo. Ipakilala mo siya sa magulang mo tapos hayaan mo siya na magsabi na kung pwede ba niyang ligawan yung prinsesa nila. Dapat makayanan niyang sabihin yun sa harap ng magulang mo. Tapos dapat ipakita niya din sa magulang mo na kung gaano ka ba talaga niya kagusto. At kapag nakuha niya na yung approval galing sa parents mo edi pwede na. Pero may isa pa dapat na kailangan mong gawin bago mo siya sagutin.

Pang apat, papangitin mo yung itsura mo tapos gumawa ka ng mga bagay na medyo nakakadiri sa harap niya. Kapag nandiri siya at lumayo siya sayo, edi hindi ka talaga niya gusto. Gusto niya lang yung itsura mo. Wag mo siyang sagutin. Pero kapag naman tinanggap niya yung nakita niya at mahal ka parin niya sagutin mo na siya. Seryoso na yan sayo.

Ngayon mga girls, kung naghahanap kayo ng magandang timing para sagutin siya may ibibigay ako sa inyong tip.

Papuntahin mo siya sa bahay niyo, dapat nandun ang parents mo. Mag usap muna kayo, at kapag naging masaya na yung pag uusap niyo saka mo siya bulungan ng “Oo, Mahal din kita.” Tignan ko lang kung hindi kiligin yan ng todo. Basta mga girls sabihin niyo lang yung ng biglaan sa manliligaw mo. At panigurado makikita mo dun kung gaano sila magiging kasaya kapag narinig yun. 

Dalawang letra, iisang salita, pero kapag yan nasabi mo na sa manliligaw mo, tiyak siya ay tatalon sa tuwa. Basta wag ka lang padalos dalos at baka pagsisihan mo yan sa dulo. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento