Linggo, Mayo 15, 2016

Friends Again?!

From ex to friends or best friends again. Isa yan sa mga pinakamahirap na pinagdadaanan ng mga dating mag bff na nasira ng pagiging mag syota nila ang kanilang dating closeness. Minsan nga himala ang kailangan para lang maibalik yung ganyan eh lalo na kung ang pangit nung break up niyo. Pero dahil sabi nga ni Nora Aunor "Walang Himala!"

So pano nga ba kayo magsisimula ulit sa pagiging mag kaibigan?

First is mag Move On muna kayo. Yung talagang move on ha, hindi yung masabing move on lang. Iwasan niyo muna yung isa't isa kahit mga 3 to 4 months lang. Siguro naman sa time span na yun okay na kayong pareho diba? 
Sa mga hindi pa nakakamove on. Basahin niyo yung isang Blog ko about dun. Baka makatulong yun.

After niyong mag move on dun na papasok yung:
AWKWARD STAGE. So dahil kakatapos niyo nga lang mag move on, may kaunting ilangan parin diyan.Yung pilit na ngiti, pilit na "Hi." Ayos lang yan. Parang umulit lang kayo sa umpisa niyan. nagkakapaan sa isa't isa kahit na saulo mo na yung lahat ng galaw niya. Tapos pag tritripan pa kayo ng mga kaibigan niyo. Yung pagtatabihin kayo tapos iipitin kayo. Well tama naman yung ginagawa nila. Para yun mawala yung "Hiya" niyo sa isa't isa.

APIR! STAGE. Eto na. Unti-unti na ulit kayong nasasanay sa isa't isa, papasok na dyan yung magpapatawa yung isa sa mga kaibigan mo tapos hindi mo na lang mamapansin na nakipag apir ka na sa kanya o kung ano pa. Wala na kayong ilangan nun kapag ganun. Well meron siguro pero kunting kunti na lang. Kung nagawa mo na siyang ma apiran, saludo ako sayo. Unti unti ka ng nakakaahon hamon ng pagiging makaibigan ulit. 

ACCEPTANCE STAGE. Usap din kayo. Yung matinong pag uusap ha, hindi yung plastican lang. Kung gusto niyo talaga na maibalik yung kung ano mang meron kayo nung dating dati pa, mag usap kayo. Explain your side and hayaan mo din siya na mag paliwanag tapos sabay niyong tanggapin yung katotohanan na hanggang dun na lang ulit kayo kasi alam niyo ng pareho na hindi talaga kayo para sa isa't isa at nabuhay kayo para maging mag kaibigan, tropa, bff, o kung ano pa. Nabuhay kayo para maging sandalan ng isa't isa kapag may problema. 

Para sa mga magbebest friends dyan na gusto niyong itry yung maging kayo ang masasabi ko lang is wag muna. Magpakiramdaman padin muna kayo kung "Tinadhana" ba talaga kayo. Isipin mo na lang yung maaring mawala sayo kapag nag break kayo. Para kang nawalan ng dalawang taong mahalaga sayo. Yung GF/BF mo at yung BestFriend mo. Itreasure niyo muna yung pagkakaibigan niyo. Dadating din yung panahon na, kung para talaga kayo sa isa't isa magiging kayo talaga. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento